Suzanne Somers
Si Suzanne Somers (ipinanganak na Suzanne Marie Mahoney noong 16 Oktubre 1946) ay isang Amerikanang aktres, may-akda, manganganta, at negosyante, na nakikilala dahil sa kanyang mga gampaning pantelebisyon bilang Chrissy Snow sa Three's Company at bilang Carol Lambert noong Step by Step.
Suzanne Somers | |
---|---|
Kapanganakan | Suzanne Marie Mahoney 16 Oktubre 1946 |
Trabaho | Aktres, awtora, negosyante, mang-aawit |
Aktibong taon | 1963–kasalukuyan |
Asawa | Bruce Somers (1965–1968) Alan Hamel (1977–kasalukuyan) |
Website | http://www.suzannesomers.com/ |
Sa pagdaka, si Somers ay naging may-akda ng magkakasunud-sunod na mabiling mga aklat na pantulong sa sarili, kabilang na ang Ageless: The Naked Truth About Bioidentical Hormones (2006), na may kahulugang "Walang Pagtanda: Ang Lantad na Katotohanan Hinggil sa mga Hormonang Magkamukha ang Biyolohiya", isang aklat tungkol sa terapiya ng pagpapalit ng hormonang biyoidentikal.[1] Naglabas din siya ng dalawang mga awtobiyograpiya, apat na mga aklat ng diyeta, at isang aklat ng panulaan na pinamagatang "Touch Me" (1980), na may kahulugang "Hipuin mo Ako".
Kasalukuyan siyang nagtatampok ng mga bagay-bagay na kanyang dinisenyo sa ShopNBC.[kailangan ng sanggunian]
Pinupuna siya dahil sa kanyang mga pananaw sa ilang mga paksang pangmedisina at kanyang adbokasya o pagtatanggol ng Protokolong Wiley, na natatakan bilang "hindi napatunayan ng agham at mapanganib".[2][3] Ang kanyang promosyon o pagtataguyod ng pamalit na mga panlunas ng kanser ay nakatanggap ng kritisismo mula sa Amerikanong Kapisanang Pangkanser.[4]
Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ellin, A (2006-10-15). "Battle Over 'Juice of Youth'". The New York Times.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Schwartz E, Schwarzbein D.; atbp. (11 Oktubre 2006). "Letter to Suzanne Somers". Dr Erika's blog. Nakuha noong 2007-12-01.
{{cite web}}
: Explicit use of et al. in:|author=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ellin, Abby (Oktubre 15, 2006). "A Battle Over 'Juice of Youth'". The New York Times. Nakuha noong 2007-12-01.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jocelyn Noveck, AP national writer. "Suzanne Somers' New Target: Chemotherapy." 19 Oktubre 2009 (AP), The Huffington Post
- ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 2 Abril 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Telebisyon at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.