Sinagoga

(Idinirekta mula sa Synagogue)

Ang sinagoga (Ebreo: בית כנסת, bet kneset, "bahay ng pagtitipon") ay isang bahay-dasalang Hudyo o isang kapilyang pinagdarausan ng pagsamba at pagpupulong.[1][2] Hinango ito sa wikang Griyegong nangangahulugang "magtipon" o magsamasama. Nagtitipun-tipon ang mga Hudyo sa loob ng mga gusaling ito upang sambahin ang Diyos at para magbasa ng Banal na Kasulatan[2], partikular na tuwing araw ng Sabat.[1][3] Dito rin nila pinag-aaralan ang mga Kasulatan. Ginagamit din ito ng pamayanang Hudyo bilang pook ng pagtuturo o pangangaral sa mga kabataang Hudyo.[1][3] Bukod dito, isa rin itong sentro o gitna ng buhay panlipunan ng mga Hudyo.[3] Ang namamahala ang sinagoga ang maaaring mang-anyaya ng sino man sa mga tao upang mangaral sa kanila.[2]

Old New Synagogue, Praga

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Synagogue". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B12.
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Sinagoga". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 21, pahina 1481.
  3. 3.0 3.1 3.2 American Bible Society (2009). "Synagogue". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura at Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.