Tabla (database)
Sa relasyonal na kalipunan ng dato (relasyonal na database), ang talahanayan o tabla (Ingles: table) ay isang hanay ng mga impormasyon na isinaayos sa mga bertikal na kolum na kumakatawan sa mga katangian(attribute) at sa mga horisontal na row na kumakatawan sa isang hanay ng rekord. Ang isang halimbawa ng tabla ay ang mga rekord ng mga estudyante sa isang paaralan:
ID : Integer | Pangalan : String | Tirahan : String |
---|---|---|
102 | Juan dela Cruz | 222 Maligaya St. Quezon City |
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo Manila |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |
Ang mga kolum o katangian ng isang rekord (row) ng isang estudyante ay ang ID, pangalan at tirahan. Ang isang tabla ay maaaring maglaman ng maraming rekord.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.