Tagagamit:Aryeahnny/Powerpuff girls

Ang Powerpuff Girls ay isang kartun na palabas na likha ni Craig McCracken sa produksiyon ni Hanna Barbera para sa Cartoon Network. Ibinida sa palabas sina Blossom, Buttercup at Bubbles, ang mga batang paslit na may angking kapangyarihan tulad ng kanilang amang si Propesor Utonium, isang matalinong siyentista. Sila ay nakatira sa isang likhang lugar sa Estados Unidos na tinatawag na Townsville. Ang mga batang paslit ay palagiang tinatawag ng alkalde upang sugpuin ang mga kriminal gamit ang kanilang mga kapangyarihan. Noong 1992, sinimulan ni McCracken ang palabas na may nauna ng pamagat na Whoopas Stew! habang siya ay nasa ikalawang antas sa CalArts. Kasunod ng pagpapalit ng pamagat ng palabas ay ang pagpapalabas ng Cartoon Network ng unang bahagi ng Powerpuff Girls sa programang World Premiere Toons noong 1995 at 1996. Ang unang pasinaya nito bilang [Cartoon] ay noong ikalabing walo ng Nobyembre taong 1998 at nagtapos sa ere noong ikadalampu't lima ng 2005. Sa kabuuan, mayroong pitumpu't walong bahagi ang palabas maliban pa sa dalawang maiikling palabas, palabas na handog sa kapaskuhan, isang pagtatampok na pelikula at isang palabas na handog sa ikasampung anibersaryo. Dagdag rito, ang palabas ay hinirang sa anim na Emmy Award, siyam na Annie Award at isang Kids' choice award habang ito ay ipinapalabas pa sa telebisyon. Kasama sa Spin-off media ang isang anime, tatlong CD na ponograma, koleksyon ng mga home video, serye ng mga video game at iba pang mga ibenebenta.


Ito ay salin lamang ng artikulong: [[1]]