Tagagamit:Bluemask/Pamagat ng artikulo (lugar)

Sa pagpili ng pamagat ng mga artikulo tungkol sa mga lugar, ang susundin ay pagtutumbas at hindi pagsasalin lamang.

Seksyon 1

baguhin

Tingnan kung ano ang ginagamit na pagtutumbas ng mga babasahin o broadcast (mga sanggunian) sa wikang Tagalog (Filipino). Kung ang pinagpiliiang pamagat ay hindi nagamit sa kahit na isang sanggunian, huwag itong gamitin.

Seksyon 2

baguhin

{{quotation|Para sa mga lugar sa Pilipinas—lalu na sa mga lugar sa Timog Katagalugan, Gitnang Luzon, at Kalakhang Maynila—gamitin ang pangalang pinili ng mga pamahalaan ng mga lugar na ito sa Wikang Tagalog (Filipino). Makikita ang mga ito sa kanilang opisyal na papeles at selyo.}} Halimbawa: ''[[Cavite]]'' vs ''[[Kabite]]'' :Nasa opisyal na selyo ng Cavite ang "Sagisag ng Lalawigan ng Kabite" kaya "'''Kabite'''" ang pamagat ng artikulo ng lalawigan.

Seksyon 3

baguhin

Gamitin bilang pamagat ang anyong ginagamit sa karamihan ng mga sanggunian. Sundin ito sa kondisyong hindi taliwas sa Seksyon 4, 5, 6, at 7.

Seksyon 4

baguhin

Gamitin bilang pamagat ang pagtutumbas na inilathala ng isang diksiyonaro talasalitaan (word list) sa kondisyong ginamit rin ang anyong ito sa iba pang sangguninang hindi diksyonaryo. Sundin ito sa kondisyong hindi taliwas sa Seksyon 5, 6, at 7.

Seksyon 5

baguhin

Kung ang isang pinagpiliiang pamagat ay maaring ituring na maling baybay (wrong spelling) ng katumbas sa Ingles, piliin ang katumbas na Ingles. Sundin ito sa kondisyong hindi taliwas sa Seksyon 6 at 7.

Seksyon 6

baguhin

Sundin na pamagat ang anyong ginagamit ng pamahalaan ng Pilipinas para sa lugar na iyon.

Seksyon 7

baguhin

Sundin na pamagat ang anyong ipinahayag ng lugar na iyon bilang pangalan ng kanilang lugar. Makikita ito sa pangalan na ginagamit ng United Nations.