Tagagamit:Dude080504/burador

Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

baguhin

Ang akdang ito ay ay isinulat ni José R. Francia, at ang ikalawang pagkalimbag ay lumabas sa taong 1919. Isang akda tungkol sa matandang sistidor na nagngangalang Taciong Kabal o Bakal, at sinusundan ng batang si Juan Hanipol na mahilig sa anting-anting, na kaniyang pinapatira.

Unang ipinakilala si Juan Hanipol bilang batang mahilig sa anting-anting, saka ipinakilala si Matandang Taciong Kabal o Bakal na siyang isang tulisan noong bata pa ngunit nanahan na sa bukiran bilang magsasaka pagkatanda.

Isang araw ay dumalaw si Juan Hanipol sa bahay ng matanda nang makahingi ng anting-anting nang sa di siya makita ng mga makakasalubong niya, na siya namang tinanggihan ng matanda sa kadahilanang di na siya nag-iingat ng mga ganoon at matanda na rin siya, subalit kung maninirahan si Juan Hanipal kasama ang matanda at kaniyang asawa, at paglilingkuran sila, ay pamamanahan siya dahil wala rin naman silang anak. Agad na tinanggap ni Juan ang alok ng matanda at nagsimula na ang pagsuyo ng bata sa mag-asawa.

Isang gabi ay pinagsabihan siya ng matanda na huwag kumain ng hapunan, at bago pa man ang animas ay lumabas na sa bakuran. Sabi nito ay pagtunog ng kampana ay yakapin agad ang puno ng kamatsileng maalitaptap at kumagat ng 7 tilad o piraso mula sa puno at ibalot ang mga ito sa puting panyo, saka bumalik sa matanda bago matapos ang paghataw sa kampana, kung hindi ay may malaking tao na papatay sa kaniya. Nang magawa ito ni Juan ay natuwa ang matanda sinabihan na kung isusubo ni Juan ang mga tipak at magpupunta sa bahay ni Kulas ay di na makikita nino man kung kaniyang sinabi ang orasyong:

Saratum, ticom, balakum, tukos, mukos, talagum, ibom.

Daliang sinaulo ni Juan ang orasyon at nagtatakbo sa bahay ni Kulas, kung saan maraming tao at may kasalan. Isinubo niya ang mga balat ng puno at sinabi ang orasyong naaalala niya:

Dalakong tikoy balatong tunkos mungos talagang ibús.

Makapasok niya ay maraming nakakakita at nag-aakalang ulol siya, bago siya sinabihan ng isang bisita na magbihis muna bago bumalik dahil putikan ang kaniyang damit dahil ang puno pala na niyapos niya ay kuskusan ng kalabaw matapos lumubog sa putikan, na kaniyang ikinahiya, at siya naman ay pinagtawanan ng lahat bago umalis nang di nagpaalam. Makauwi ni Juan ay sinabi niya sa matanda na pinagtawanan siya ng lahat, at sagot ng matanda ay huwag na lamang pansinin at sumunod sa utos niya, bago niya itanong ang orasyon na sinabi niya, at nalaman niyang mali pala ang sinabi ni Juan, at pinagsabihan na di pa siya handa, at bago matulog ang dalawa, ay sinabi ng matanda na susubuan niya si Juan ng isang Anting sa Biyernes ng umaga, kaya maligo siya ng maaga.

Sa biyernes ay ginawa niya yoon at may babaeng dumalaw na nagngangalang Angue. Gusto niyang ipatingin kay Tacio ang asawa niyang si Ambo na may sakit na di niya alam. Nang makita nila si Ambo ay nasabi nga ng matanda na ang sakit niya ay Asno Tamardillo o kung tawagin ay katamaran. Pinasama ni Tandang Tacio si Ambo papunta sa kamalig sa bukiran at doon nagpulong ang mga mambubukid nang magkainan. Kumuha ng alak si Tininting Isiro at tumagay si Biang, ang anak na babae ng may bukid. Maya maya pa ay nag-awitan ang lahat, at pagkatapos ay binigyan ni Tacio si Juan ng alak na iinumin, ngunit may sili ito at biglang ibinuga ni Juan dahil sa anghang, at sinabi ni Isiro na sistidor nga si Matandang Tacio, bago magsimulang magkainan ang lahat.

Matapos magkainan ay sinabihan ni Tacio si Ambo na magligidligid sa pilapil hanggang patigilin siya. Maya maya ay dumating si Angue at nang makita niya ang kaniyang asawa ay nagmakaawa na patigilin na ang asawang naglalakad sa gitna ng bukid. Ipinaliwanag ng matanda na yoon ang magpapagaling sa kaniya. Sinagot niya ang tanong ni Angue kung ano ang Asno Tamardillo: Asno raw ay ang pagkakamali ni Adan kaya nagsimula ang pagtatanim at pagsasaka, at Tamardillo galing sa Tamad at dillo, o tinadtad ng katamaran. Matapos ng pag-uusap ay namalayan nilang nagtungo na pauwi si Ambo dahil sa hiya, at nagpaalam na rin si Angue nang hanapin ang kaniyang asawa, at sa hapon ay nagsiuwian na ang mga tao pabayan, ngunit iba ang dinaanan nila Tacio at Juan.

Napadaan ang dalawa sa pinagpupulungan ng apat na binatang nagkakara-kurus. Sabi nila ay nagpupustahan sila kung kaya ni Tacio pakainin sa dulo ng kawayan ang kalabaw sa may bakod, at nagkasundo sila na kapag nagawa ito ni tandang Tacio ay bubuhatin siya pauwi sa bayan. Namangha ang mga binata nang magawa niya ito, at sinabihan niyang dalhin siya sa Casa Real at sabihing siya ay nalunod nang limusan sila ng mga kakilala. Pinaghawak niya si Cebio ng pera, at pinapunta si Kulas sa simbahan nang pag-orasyonan siya ni Pari Teban, at binuhat siya ng dalawa pang binata.

Nakarating nga at nagukat ang lahat na patay na si Tacio, at ipinalagay na lamang sa silong ng Casa Real na inutos ng Kapitan. Nang maiwan siya roon ay bumangon siya at umalis nang walang nakakakita nang sabihan ang dalawang nagbuhat sa kaniya sa inaasahan niyang gawin, at umuwi na rin siya. Kinaumagahan ay nagulat at natakot ang lahat na wala na ang bangkay ni Tacio, kasama ng pinaglagyan niya, at sinabi ng dalawang nagbuhat sa kaniya na nakita nilang dinala ang katawan ni Tacio ng kalangitan, ngunit kakaunti ang naniwala sa kanila.

Lumipas ang apat na araw at naghahanda ang mga tao nang ipagdasal si Tacio sa kaniyang bahay. Naparoon ang Kapitan, Directorcillo, ang Pari, at ang mga Kantores. Matapos noon ay sila ay nagkainan. Matapos pa noon ay narinig na nga nila ang tinig ni Tacio sa itaas, na siyang nagpatimpla ng tsaa. Ang lahat ay nasiyahan at nagtawanan dahil sa ginawa ng matanda, at ang Directorcillo ay biglang tumula:

Mg̃a, maguinoo,

Ang tawo'y di ng̃a sukat na magsasabi,

ng̃ tapos sa sinomang kapua lalaki,

sapagka't kung ganito ng̃a ang mangyari

kahiyahiyang lubha sa kania ding sarili.


Ipinalalagay nating patay ng̃ang tunay

si Pareng Tacio kaya ng̃a nagdasalan,

dili pala gaion at siang tumatanaw

kung sino sa atin ang malaking samual.


Ang gawang maglimos ay gawang magaling

na di ng̃a lubhang kaluluguihan natin;

paris ng̃a ng̃aio'y mg̃a tian natin

di mababayaran ng̃ tigagatlong aliw.


Kaya ng̃a lubos ang pasasalamat ko

sa pang̃alan lamang ni Cumpareng Tacio,

biniguian lugal na magkasalo-salo

tanang cantores at sampon maguinoo.


Sapagka ng̃á't naguing ugali na natin

mg̃a kantores sa huli ang kaín

tang̃i lamang ng̃aion na napapiling din,

kaakbay ng̃ kurang kaagapay natin.


Ang ipinagbadya'y di ko tinitikis

kaya ang hiling ko'y inio ng̃ íalis

sa puso niniong maalam magkipkíp

at sa kakulang̃a'y marunong magtakíp.


Inuulit ko'y ang pagpapasalamat

dito sa may boda at tanang kaharap;

huag din nawang isaman ay magkalamat

mg̃a pinga't basong dito ng̃a't sinangkap.

Nagpalakpakan at nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng Directorcillo na may tugma. Sa birong ito ng matanda ay ang mga Kantores ang napahirapan, kayat nang mag-alisan ang lahat ay sinabi nila na di na ito mauulit.

Mga tauhan

baguhin
  • Juan Hanipol - Batang ulila na mahilig sa anting-anting na sumusunod kay Tandang Tacio na parang anak nang makamana sa mag-asawa.
  • Taciong Kabal - Matandang sistidor na noo'y tulisan ngunit nanahan na at naging mambubukid.
  • Angue - Babaeng nagpunta kay Tandang Tacio nang ipatingin ang asawa niyang si Ambo.
  • Ambo - Asawa ni Angue na may sakit daw na Asno Tamardillo (Ingles: Very Lazy Donkey).
  • Tininting Isiro
  • Biang
  • Directorcillo
  • Mga Kantores