Tagagamit:Gailtabang/Transmiter

Sa larangan ng elektroniks at telekomunikasyon, ang transmiter o panradyong transmiter ay isang de-kuryenteng aparato na lumilikha ng radio waves sa tulong ng kanyang antena. Ang transmiter ay nakalilikha ng sariling radio frequency alternating current na siyang natatanggap ng antena. Dahil sa epekto nito, ito ay nakagagawa ng radio waves. Higit pa roon, ang transmiter din ay may mahalagang papel na ginagampanan sa mga de-kuryenteng kasangkapan na ginagamitan ng panradyong komunikasyon tulad ng telepono, wireless computer networks, mga gadyet na may Bluetooth at mga pintuan ng garahe; gayundin sa larangan ng nabigasyon, mga sasakyang panghimpapawid, pandagat, pangkalawakan, at radar set. Gayunpaman, ito ay limitado lamang sa mga aparatong pangkomunikasyon na nakalilikha ng radio waves o radyolokasyon tulad ng radar at transmiter na pangnabigasyon. Ang mga dyeneretor ng radio waves na ginagamit sa pagpapainit at sa iba pang larangan ng industriya tulad ng microwave oven at diathermy equipment ay hindi madalas tawagin na transmiter kahit na ito may may kahawig na circuit.

Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa brodkast transmiter, na karaniwang ginagamit sa brodkasting, partikular sa panradyo (FM) o pantelebisyon. Ito rin ay kadalasang sumasaklaw sa paggamit ng tamang transmiter, antenna, at sa istrukturang kinalalagyan nito.

Ang paggamit ng salitang ito na may kaugnayan sa prosesong industriyal ay hindi sinasaklaw nito. Isinasaad dito na ang transmiter ay kasangkapang telemetry na kung saan ginagawang signal ang mga datos mula sa sensor at naipadadala gamit ang kable na siyang matatanggap ng display o control device sa malayong lugar.