Tagagamit:Mljaplos/Cross-dressing
Cross-dressing
baguhinSource: www.en.wikipedia.org/wiki/Cross-dressing
Ang cross-dressing ay ang pagsuot ng damit at iba pang mga bagay na karaniwang nauugnay sa kabaligtaran na kasarian. Ito ay ginagamit para sa pagbabalatkayo, sining ng pagganap at bilang isang pampanitikan tropo sa modernong panahon at sa buong kasaysayan.
Halos bawat lipunan sa buong kasaysayan ay gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae sa pamamagitan ng estilo, kulay, o uri ng damit na inaasahan na suotin nila. May mga lipunan na naglaad ng mga kaugalian, pagtingin, mga alituntunin, o kahit na batas para sa pagtukoy kung ano ang uri ng damit na angkop sa bawat kasarian. Ito ay hindi, gayunman, nagpapahiwatig ng “transgender identity;” isang tao na nagco-cross-dress ay hindi laging makikilala bilang isang kasarian na iba kaysa sa kasarian na itinalaga sa kanila.
Ang salitang “cross-dress” ay nagpapahiwatig ng isang aksyon o isang pag-uugali na walang ibinibigay na dahilan. May ilang tao na awtomatikong ikinokonekta ang “cross-dress sa “transgender identity” o sekswal, taong haling na haling, at tomboy na pag-uugali, ngunit ang salitang “cross-dressing” ay hindi nagpapahiwatig ng anumang motibo.
Kasaysayan
baguhinSource: www.en.wikipedia.org/wiki/Cross-dressing
Ang “cross-dressing” ay umiiral sa buong kasaysayan na naitala. May ilang makatwiran na bilang ng mga makasaysayan na tao na kilala sa “cross-dressing” sa iba’t ibang grado at para sa iba’t ibang dahilan. Mayroong mayaman na kasaysayan ng “cross-dressing” na matatagpuan sa alamat, literature, teatro at musika.
Iba’t ibang uri
baguhinSource: www.en.wikipedia.org/wiki/Cross-dressing
Mayroong iba’t ibang uri ng “cross-dressing” at marami ring iba’t ibang dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng “cross-dressing_ na pag-uugali. May mga tao na nagco-cross-dress para sa sarili nilang ginhawa o estilo. May mga tao rin naman na mas ginugusto ang kasuotan ng ibang kasarian. Sa kasong ito, ang pagco-cross-dress ng isang tao ay maaari o hindi maaari maging maliwanag sa ibang tao. Ang ibang tao naman ay nagco-cross-dress upang gulatin o tutulan ang mga kaugalian ng lipunan.
Ang mga kalalakihan at kababaihan ay maaaring mag cross-dress upang itago ang kanilang pisikal na kasarian. May ilang mga kababaihan na nagco-cross-dress upang makapasok sa mga propesyon na pang-lalaki lamang. May mga lalaki naman na nagco-cross-dress upang makatakas sa sapilitan na serbisyo sa military o para magbalatkayo upang makatulong sa pampulitika o panlipunan na pagtutol.
May tao naman sa teatro na nagco-cross-dress upang pumapel bilang isang babae o lalaki. Ang “cross-dressing,” o pagsusuot ng mga lalaki ng damit pambabae, ay madalas ginagamit upang magpatawa ng mga manonood.
Ang “drag” ay isang espesyal na anyo ng sining ng pagganap batay sa “cross-dressing.” Ang isang “drag queen” ay karaniwang isang lalaki na gumaganap bilang isang babae na karakter at nagsusuot ng marilag na damit, sapatos na may mataas na taking, makapal na makeup at peluka o “wig.” Maaaring gayahin ng isang “drag queen” ang isang sikat na babaeng artista o singer. Ang isang “faux queen” naman ay isang babae na may pareho na pamamaraan.
Ang “drag king” ay isang kapilas o counterpart ng “drag queen” ngunit kadalasang para sa mga ibang tagapanood. Ang “drag king” ay isang babae na nagkukunwari na isang lalaking artista o singer. Ang mga babae na sumasailalim sa gender reassignment therapy ay kinikilala bilang isang “drag king” ngunit ang paggamit ng “drag king” sa kasong ito ay itinuturing na hindi tumpak.
Ang mga transgender na tao na nagsagawa ng gender reassignment therapy ay karaniwang hindi tinatawag na “cross-dressing.” Ang isang transsexual na nakumpleto ang gender reassignment surgery ay tiyak na hindi tinatawag na “cross-dressing,” maliban kung sila ay magsuot ng damit na hindi karaniwang sinusuot ng kasarian kung saan sila nagpalipat.
Ang “transvestic fetishist” ay isang tao na nagco-cross-dress bilang bahagi ng isang “sexual fetish.”
Ang katagang “underdressing” ay ginagamit ng mga lalaking cross-dresser upang ilarawan ang damit na panloob ng mga babae na kanilang suot.
May ibang mga tao na nagco-cross-dress na sinisikap magproyekto ng isang kumpletong impresyon ng pagiging parte ng ibang kasarian.
“Female masking” ay isang anyo ng “cross-dressing” na kung saan magsusuot ang lalaki ng maskara na nagpapakita sa kanila bilang babae.
Layuning utilitarian ay nagdadala rin ng mga paraan ng “cross-dressing,” tulad ng pagsuot ng mga lalaking may ‘gynecomastia’ ng damit panloob na pambabae.