Tagagamit:Namayan/burador
Mga dapat pag-usapan
baguhin- Pagtukoy sa Wikipediang Tagalong bilang Wikipediang Filipino
- Ang Filipino ay batay sa Tagalog. Sa pananaw ng KWF at mga akademiko ito ay magkaibang wika, ngunit sa nakararami kung hindi man lahat, hindi malinaw ang kaibahan ng dalawa kaya iisang wika lang ito at nagkakaiba lang ng pagtukoy. Sa Wikipedia kinikilala ito bilang isang wika at ito ay Tagalog. Sa ganitong pag-unawa maaaring maihambing ito sa pagtukoy sa wikang Espanyol/Kastila, kung saan tinutukoy ang proyekto nito sa Wikipedia bilang Wikipedia Español. Lubhang mahirap mapalaganap sa mga paaralan at mga pamantasan ang Wikipediang Tagalog, dahil "Filipino" ang pagtukoy sa wika sa mga asignatura at mga kurso sa pamantasan. Sa mga institusyong pamahalaan, Filipino rin ang pagtukoy rito. Kailangang pa bang ipaliwanag sa mga paaralan at mga pamantasan ang "pagkaunawa at pananaw" sa Wikipedia kaya ito tinukoy na Wikipediang Tagalog bago masimulan ang mga hakbang upang ito kanilang iendorso?
- Pagsasatama ng mga salin sa interface ng Wikipediang Tagalog.
- Pagsasabago ng pamantayang ortograpiya batay sa bagong ortograpiyang inilabas ng KWF noong 2013.
- Pagsusuri sa mga paliwanag ng KWF tungkol sa bagong ortograpiya.
- Sinasabi ng KWF na maaari pang mabago ang ortograpiya kung hindi lalawig ang pagtanggap dito dahil nagbabago ang wika sa pagdaan ng panahon.
- Salin ng mga pangalan ng mga lugar (bansa, lungsod at bayan, atbp).
Mga dapat palitan na salin:
- talaksan – na itinumbas sa file ay mali ang pagkakasalin, iba ang kahulugan ng talaksan. Ang konsepto ng file ay banyaga kaya mauunawaan na wala pang pagtutumbas dito sa katutubong wika na laganap na ang gamit. Sa kadahilanang ito kaya ang computer ay kompyuter dahil banyaga ang konsepto at lumaganap ang pagtukoy rito sa naturang wika, at naging k-o-m-p-y-u-t-e-r naman ang baybay dahil marami nang gumagamit ng baybay na ito. Kung pipilitan na ito'y itumbas sa katutubong wika, maaaring kuhanin ang salitang-ugat at ito'y magiging pantuos na maaari ring itukoy sa calculator.
- paunang tingin – sulyap/sulyapin
- Burador ko – Magsanay
- Maligayang pagdating – dumarating ka ba sa isang website o dumadalaw?
- Mga nais ko – Mukhang hindi masaklaw ng konsepto ng preference ang pagiging nais.
- Bantayan ko – Binabantayan
- Ngalang-espasyo – sa pagtutumbas na ito, maaari bang tukuyin ang folder na pantupi, gaya ng paliwanag sa #1?
- Magkarga – bilang upload ay mali, dahil ang karga (sa Tagalog na magsakay o lamanán) ay load. Kung ipipilit na ito ay may kahulugang upload ang diskarga ba ay dapat gamitin sa download? Banyaga ulit ang konseptong upload.
Ortograpiya
baguhinAng mga sumusunod ay ang aking mga sariling pagpapalagay kung paano maiaangkop ang pamantayan ng pagsusulat sa Wikipedia batay sa ipinalabas na Ortograpiyang Pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Layunin dapat ng Wikipedia ang pagkakaroon ng pamantayang na may sapat na kadahilanan nang hindi maging arbitraryo ang "pagsasatama" ng mga panulat. Kung sasalungat man ito sa pamantayan ng KWF—na ginagamit sa paaaralan—dapat ito ay may malinaw at matibay na dahilan na katanggap-tanggap, at hindi dahil ito ay isang kompromiso.
Dapat maging layunin ng Wikipedia ang magamit sa akademya, upang lalong lumawak ang makikinabang at mag-aambag sa naturang proyekto.
Layunin
baguhin- Maparami ang gumagamit ng Tagalog Wikipedia.
- Maunawaan ang Tagalog Wikipedia nang higit na nakararami at hindi lamang ng mga manunulat o nag-aambag dito.
- Maging katanggap-tanggap ang mga pamantayan ng Tagalog Wikipedia upang magamit ito sa mga paaralan at mapalawak ang gumagamit at nag-aambag dito.
Mungkahi ko na
baguhin- 1. Gumamit ng katutubong salita kung may likas na katumbas ito
- Katiwalisan
- Kung sadyang malawak o ekstensibo naman ng isang salitang hango sa dayuhang wika kaysa sa katutubong salita, dapat bukás tayo na gamitin ito. Ngunit pagdating sa pamagat, mainam na gamitin ang katutubong salita.
Tagalog Katumbas na hango sa dayuhang salita na malawak ang gamit kalinangan kultura (Esp. cultura) tugtog musika (Esp. musica) aklat libro
- 2. Paggamit ng mga itinumbas na salita
- Maging mahinahon sa paggamit ng mga itinumbas na salita o mga salitang ginawan ng katapat sa Tagalog/Filipino.
- Kung gagamit man, siguraduhing magkahalintulad ang kahulugan at konsepto nito.
- May malawakang paggamit nito. Kung mahirap matantiya ang lawak ng gamit...
- Matutunan na hindi lahat ng salitang banyaga ay angkop na tumbasan pa sa katutubong wika dahil magiging lihis o sablay na ang kahulugan nito.
- Karaniwan ang nangyayari ay ginagamit ang kahulugan ng isang hiram na salita upang huwag lang magkaroon ng "mukhang" banyagang salita. Sa ganitong paraan ginagamit lang ang buong kahulugan at hindi natutumbasan talaga ang salita. Mainam sa ganitong pagkakataon na hiramin na ang salita, lalo na't ito naman ang sadyang ginagamit ng mga tao.
Halibawa Kahulugan / Katumbas sa Tagalog Mainam gamitin boundary (territory) hangganan hangganan boundary (sasakyan) bayad sa may-ari ng pampasadang sasakyan ng isang namamasada boundary
- Ngunit may mga salitang matagal nang ginagamitan ng tila mala-kahulugan na katumbas.
Halibawa Kahulugan / Katumbas sa Tagalog bill (proposed law) panukalang batas affidavit sinumpaang salaysay
- 3. Hindi sa lahat ng pagkakataon na kayang tumbasan ng katutubong salita ang isina-Filipinong dayuhang salita, dahil may partikular na kahulugan ito na hindi eksakto o lihis kapag ang katutubong salita ang ginamit.
Halibawa Maaring itapat na katutubong salita Partikular na kahulugan basura (Esp. basura) dumi Ang basura ay may kahulugan na duming itinatapon. masaker (Ing. massacre) pagpaslang Ang masaker ay may kahulugang mahigit sa isa ang napaslang.
Paggamit ng mga tuldik
baguhinIsinusulong ng KWF ang paggamit ng tuldik. Hindi dapat maging sapilitan ang paggamit ng tuldik sa mga nag-aambag. Kung ang isang nag-aambag ay komportable sa paggamit nito hayaan ito na gumamit ng mga tuldik.
- Huwag muna gumamit ng tuldik sa mga pamagat ng artikulo
- Dahil sa hindi na naman malawakan ang kasanayan sa paggamit ng tuldik, mainam na hindi ito gamitin sa pamagat ng mga artikulo. Ngunit malaki maitutulong nito sa mga "paglilinaw" ng mga pamagat.
4. Pagbaybay na pasulat
baguhin4.1. Gamit ng Walong Bagong Titik
baguhin4.2. Bagong Hiram na Salita
baguhin4.3. Lumang Salitang Espanyol
baguhin4.4. Di Binabagaong Bagong Hiram
baguhinAng mga halimbawa ng maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang
Halimbawang ibinigay hango sa Espanyol | Pagpapalagay |
---|---|
futbol | Hindi laganap ang baybay na putbol, malamang dahil hindi popular ang naturang isports sa bansa, di-gaya ng basketbol. Tinutukoy rin ng koponan ng Pilipinas sa naturang isports bilang "Pilipinas Futbol". |
fertil | |
fosil | Tukuyin muna kung ang salita ay lumaganap ang gamit sa panahong nananaig na ang Ingles o Espanyol pa rin. |
visa | Matagal nang ginagamit sa mga pasaporte ang bisa bilang pagtukoy sa visa. Kung masusunod ito sasalungat ito sa pamantayan sa 4.3 |
vertebra | Tukuyin muna kung ang salita ay lumaganap ang gamit sa panahong nananaig na ang Ingles o Espanyol pa rin. |
zigzag | Tukuyin muna kung ang salita ay lumaganap ang gamit sa panahong nananaig na ang Ingles o Espanyol pa rin. |
Halimbawang ibinigay hango sa Ingles | Pagpapalagay |
fern | Ang fern ay pakô, gamitin dapat ang katutubong salita. |
folder | Laganap ang baybay na folder at hindi polder, taliwas sa makikita sa diksiyonaryo ni Fr. Leo English. Ngunit tandaan bilang pagsuporta sa folder nagtala sa panimula ng diksiyonaryo si Fr. English ng mga salita gaya ng folder na binaybay sa Abakada ngunit ang orihinal na baybay pa rin ang higit na pinipili (preferred). Mali rin na tukuyin ito na paniklop o pantupi dahil hiram na konsepto ito at lumaganap ang pagtukoy rito sa hiram nitong anyo/baybay. |
jam | Di-matiyak, dahil ang ube jam ay ube halaya. Ang halaya ay nagmula sa Espanyol na jalea na jelly naman sa Ingles, ngunit magkaiba naman ang katangian ng jelly sa jam, tila napaghalo na ang kahulugan nito sa Filipino. |
jar | Ang jar ay garapón/bangâ, gamitin dapat ang katutubong salita. |
lével | Ang level ay antás, gamitin dapat ang katutubong salita. Ayon sa gabay ng KWF, hindi dapat bigkasing mabilis ang salitang ito sa pag-aakalang ito'y hango sa Espanyol (ang level ay nivel sa Espanyol). Pagsalungat sa KWF: Ngunit dahil malawak na ang gamit ng lebél at mukhang mangilan-ngilan lang ang tumutukoy dito na lével/lébel dapat manaig ang higit ang malawak na gamit. Dahil kung nagiging bahagi nga ng diksiyonaryo ang mga bagong salita, bakit hindi matanggap ang mga salitang malawak ang gamit, mali man ang paghiram nito o hindi. |
envoy | |
develop | pag-unlad |
ziggurat | Sang-ayon dahil masisira ang kabuluhang pinagmulan (pangkultural). Ang ziggurat ay mga tore sa Mesopotamia. |
zip |
4.5. Problema sa C, Ñ, Q, X
baguhin“ | Gayunman, mapapansin sa mga binanggit na halimbawa ng bagong hiram na salita na hindi pa ginagamit ang lahat ng dagdag na titik. Walang halimbawa ng hiram na salita na may mga titik C, Ñ, Q, at X. Bakit? Narito ang paliwanag. Isang magandang simulaing pangwika mula sa baybayin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik. Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K ang tunog nito sa unang titik ng coche (kotse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik ng ciudad (siyudad). Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan na ng NY, gaya ng donya (doña), pinya (piña), banyo (baño).
Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na titik—nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.6, ginagamit lamang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang teknikal at pang-agham (Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng pangngalang pambalana at nais ireispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol na keso (queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY barbikyu (barbeque). A X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ekstra (extra). |
” |
4.6. Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik
baguhinSa kasalukuyan,
- Pangngalang pantangi
- Dito papasok ang mga pangalan ng mga lugar.
- Katawagang siyentipiko
- Sa mga salitang mahirap na dagliang ireispel
4.7. Eksperimento sa Ingles
baguhinTagapayo sa Wika
baguhinMaaari rin sigurong tignan ang pagkakataon na kumuha ng isang dalubhasa sa wikang Filipino na magiging tagapayo ng pamayanang Wikipedia.
On Titles
baguhinForeign books, movies, programs, shows and the likes are introduced to us mostly in the English language, because this is the foreign language we greatly understand.
- Hence it is better to retain them in English titles, unless there's ALREADY a Tagalog adaptation/translation, however we should also consider in which language it is more popular. (i.e. Noli Me Tangere vs. Huwag Mo Akong Salingin).