Tagagamit:Pjmanco/Pilipinas Ang Tunay na Kasaysayan

PILIPINAS ANG TUNAY NA KASAYSAYAN

Ayon sa mga Kastila, dinatnan nila ang Pilipinas na walang kaunlaran at walang sibilisasyon. Ang katutuhanan ay ang kanilang bansa ang nasa ganitong estado ng sila ay dumating sa Pilipinas. Matatandaan nating dumating ang mga Kastila sa Pilipinas na isang nagsisimulang kaharian. Nakarating sila sa Pilipinas sa paghahanap ng bagong himpilang pangkalakalan. Maraming teknolohiya ang natutunan ng mag Kastila mula sa Nooy tinatawag nilang mga Indio at isa na rito ang teknolohiyang pampaglalakbay dagat kung saan ay eksperto ang mga kayumangging tinatawag nilang Indio. Sa pamamagitan ng mga kayumanggi, nakagawa sila ng isang barkong naging pinakamalaki noong mga panahong iyon. Natutunan din ng mga Kastila ang paglalakbay ng pasalungat sa Hangin na matagal ng alam ng mga Kayumanggi. Matatandaan natin na bago magumpisang manakop ang mga Kastila, wala pa silang ganap na kaalaman sa paglalayag at mga takot pa sa paglalakbay sa karagatan. Matatandaan nating sa limang barkong kastila ay iisa lamang ang nakabalik ng espanya sa paglalakbay na pinamunuan ni Fernando Magallanes. Sa larangan ng kalakalan isa ng maunlad na lungsod ang maynila na kilala noon bilang kota seludong bago pa man dumating ang mga kastila. Ang lungsod na ito ang sentro ng kalakalang dagat noong mga panahong iyon sa boong asya at ang pagsakop ng mga kastila dito ang nagpaunlad sa espania. Dahil dito nakontrol nila ang kalakalang sa boong daigdig na dating hawak ni lakandula at rajah soliman. Sa pilipinas, nagtayo ang mga kastila ng mga simbahang ang desenyo ay nahahawig sa desenyo ng mga templo sa timog silangang asya at malayo sa mga desenyo sa europa. Maaring ang mga simbahang ito ay ginawa nila mula sa mga sinaunang gusali sa kapuluan at pinalabas na wala pang gusaling gawa sa bato dito bago sila dumating. Maaring bang ang Maunlad na Kahariang may impluwensiyang intsik at indian ng tundun ay walang mga gusaling kahawig ng mga natagpuan sa indonesia samantalang noong mga panahong iyon magkahawig ng kaugalian ang dalwang bansang ito.