Tagagamit:Tochristianng/Ang Inhinyero at ang kanyang laban sa Industriya sa Pilipinas

Tochristianng (talk) 21:50, 21 March 2011 (UTC) Bilang isang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas, naisipan kong pag-usapan ang kahalagaan ng pagkakaroon ng sarili nating industriya na nakatutok sa pagbibigay aral o reserts ng mga teknolohiya na pwede nating magamit o mapakinabangan. Sa aking napiling kurso sa UP, na may ngalan na “Electronics and Communications Engineering”, nararapat na ang linya ng trabaho ng isang nakapagtapos ng ganitong kurso ay hindi nalalayo sa kanyang napag-aralan sa unibersidad. Ngunit, ang Pilipinas ay walang kakayahang makapagbigay ng oportunidad na tahakin ng isang bagong gradweyt ang isang industriya na ganito ang pokus. Ang dahilan sa isyung ito ay ang pagiging kontento ng Pilipinas sa kanyang mga industriya na naka sentro sa kalakalan at sa pagbibigay serbisyo sa mga kompanya ng ating mga karatig bansa. Nalulungkot akong isipin na ang Pilipinas ay walang balak na tumayo sa sarili nitong paa sa usaping reserts at hinahayaang gamitin ang serbisyo ng mga Pilipino, na nag-aaral sa mga prestihiyosong mga paaralan sa Pilipinas, para sa ikauunlad ng ibang bansa. Tayong mga Pilipino ay sadyang nag-aral sa loob ng Pilipinas para sana’y makatulong sa bayan sa pagpapaunlad ng mga impastraktura, mga teknolohiya, sa pagbibigay ng trabaho, at iba’t iba pa, ngunit habang palapit at palapit na tayo sa tamang edad, nakakalimutan nating magbigay pasalamat sa biyayang nabigay ng ating bansa, lalo na sa usaping edukasyon. Siguro sa dahilan ang trabaho sa Pilipinas ay hindi masyadong malaki magpasweldo, kaya karamihan sa atin ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa, at ang naidudulot nito para sa ibang bansa ay ang kaunlaran ng kanilang ekonomiya at iba’t ibang aspeto ng kanilang pamumuhay; ngunit sa ating bansa, kung saan ang mga ito’y nagsipag-aral, ay nananatiling lubog sa kahirapan at nangangailangan ng suporta sa mga malalakas na bansa. Ang isang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa Pilipinas ay ang hindi pagtutulungan ng tatlo sa pinaka-importanteng sector sa lipunan. Ito ang gobyerno, ang akademiko, at ang industriya. Ang gobyerno ay dapat na maglathala ng pondo para magbigay ng mga bagong materyales sa mag-aaral na nag-aaral ng mabuti at gumagamit ng mga pasilidad na makabago. Ang mga akademiko naman ay may layuning mag-aral ng mabuti para sila’y makatulong sa bayan sa paraang pagtrabaho sa industriya, at pagsasagawa ng mga proyekto na makaktulong sa ekonomiya ng bansa. Ang mga industriya naman ay dapat magbigay trabaho sa mga mag-aaral na ito upang sila’y makilahok sa mga mahahalagang proyekto ng bayan. Ang lahat ng kita naman ng mga industriyang ito ay pwedeng gamiting pambayad sa gobyerno para magkaroon muli ng pondo para sa edukasyon ng mga kabataan. Makikita natin na parang isang siklo (“cycle”) ang pagtutulungan ng gobyerno, akademiko, at industriya. Hindi gagana ang sistema kung mayroong kahit isang hindi tumutupad sa kanyang responsabilidad. Sa kaso ng Pilipinas, sa tingin ko ay may problema tayo sa gobyerno at sa industriya. Madaling manumbat ng tao ngunit alam naman nating mayroong mga isyu ng korupsyon sa gobyerno kung saan nauubusan ng nailathalang pondo para sa edukasyon dahil sa mga taong hindi makaiwas sa sigaw ng laman. Sa parte ng industriya, mayroong konti, kung wala naman, na industriya na gustong makipagsapalaran sa pagtayo ng isang kompanya na handang magbigay ng pondo para sa gobyerno, na ang kapalit ay hahanapan ng gobyerno ang industriya ng mga magagaling na mga estudyante para magtrabaho para sa kanila. Habang tayong mga Pilipino ay hindi magsimulang mag-isip para sa ika-uunlad ng bayan, ay habang buhay din tayong hihingi ng tulong sa ating mga karatig bansa, hanggang sa puntong tayong mga Pilipino ay mawawalan narin ng sarili nating identidad (“identity”).