Tagagamit:Wendygep/Abel Aristorenas

Abel Aristorenas (ang kanyang tunay na pangalan ay Abelardo Bataclan Sr., pinanganak ng June 9,1942)ay isa sa mga grand finalists sa Tawag ng Tanghalan noong taong 1969. Siya ay nanalo ng 14 na linggong sunod sunod. Siya ay ang binansagang Jack Jones ng Pilipinas sa kaniyang pag-awit ng kantang, Lorelei. Kaniyang inaawit din ang mga awitin nila Frank Sinatra at Engelbert Humperdink sa kaniyang 14 na linggong pagkapanalo. Sa 1969 Grand Finals ng Tawag ng Tanghalan, si Jonathan Potenciano ang nanalo sa pag-awit na pinasikat ni Matt Monro. Makatapos ng Tawag ng Tanghalan si Abel Aristorenas ay patuloy na umawit sa isa sa mga programa ng ABS-CBN, Oras ng Ligaya. Siya'y tatlong beses sa isang linggo na pinaaawit.