Tagagamit:Zmonc12/Accounts Receivable

(Idinirekta mula sa Tagagamit:Zmonc12/burador)

Ang Accounts Receivable, na maaari nating paikliin bilang AR o A/R, ay mga legal na pagmamay-ari ng isang negosyo na nagmula sa mga binentang produkto o ginawang serbisyo para sa mga mamimili na hindi pa nababayaran. Ito ay mga resibo na nagmumula sa negosyo na ipapadala sa mga mamimili sa pinag-usapang araw ng bayaran. Ang Accounts Receivable ay makikita bilang isang Asset sa Balance Sheet. Ito ay parte ng isang serye ng transaksyon sa Accounting na konektado sa paniningil sa mga mamimili para sa mga biniling produkto o mga ginawang serbisyo para sa kanila. Maaari nating makita ang pagkakaiba nito sa Notes Receivable, dahil ang Notes Receivable ay mga utang na may pormal na dokumento o mga promissory notes.[1]

  1. "Accounts receivable", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2022-03-07, nakuha noong 2022-11-21{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)