Tagan
Ang tagan[1] (Ingles: smalltooth sawfish, small-toothed sawfish[1], literal na "isdang-lagareng may maliliit na mga ngipin"; pangalang pang-agham: Pristis pectinata[2]), ay isang tag-an (o barasan) ng pamilyang Pristidae, na natatagpuan sa mga mababaw at subtropikal na mga katubigan sa buong mundo, sa pagitan ng mga latitud na 44° Hilaga at 37° Timog. Umaabot ang haba nito sa 7.6 m.
Tagan | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Subklase: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | P. pectinata
|
Pangalang binomial | |
Pristis pectinata Latham, 1794
|
May mahaba, sapad, tila talim na rostrum o ngusong may 24 hanggang 32 pares ng mga ngipin sa gilid. Malaki at nakahilig (oblik) ang palikpik sa buntot (palikpik na kawdal) na walang pagkalobo. Isa itong uri namumuhay sa pangloob na katubigang may baybayin at sa may iba't ibang gawi sa pag-alon, ngunit maaaring tumawid sa malalim na katubigan upang marating ang mga mabaybaying kapuluan, subalit palangoy na pumapanik din sa mga kailugan at nakatatagal sa mga sariwang tubig. Kalimitan itong natatagpuan sa mga baybayin, mga laguna, mga estuwaryo, at mga bukan o bibig ng mga ilog, ngunit nakikita rin ito sa mga ilog at lawa. Ginagamit nito ang kaniyang "lagari" para halukayin ang ilalim ng tubig kapag nanginginain ng mga imbertebradong pangkalaliman at upang patayin ang mga pelahikong mga isda.
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Tagan, small-toothed sawfish". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pristis pectinata". FishBase. Ed. Ranier Froese and Daniel Pauly. Mayo 2006 version. N.p.: FishBase, 2006.