Tagapaglingkod ng mga tagapaglingkod sa Diyos

Isa sa mga titulo ng papa

Ang Tagapaglingkod ng mga tagapaglingkod sa Diyos (Latin: servus servorum Dei)[1] ay isa sa mga titulo ng papa at ginagamit sa simula ng bulang pampapa.[2]

Ang bulang 1570 Quo primum ng Papa Pio V sa Misal Romano. Sa ilalim ang pangalan ng papa Pius Episcopus (Obispong Pio) na ipiankita ang kanyang titulong Servus servorum Dei. Hindi lahat ng mga dokumentong pampapa ay nagsisimula sa ganito, subali't ginagawa ng mga bula.

Pinagmulang pam-Bibliya

baguhin

Ang titulong pampapa ay may pinagmulang biblikal na matatagpuan sa Mabuting Balita ayon kay San Mateo, kabanata 20, mga talata 25 hanggang 27:

25. Datapuwa't sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sinabi, Nalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
26. Sa inyo'y hindi magkakagayon: kundi ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo;
27. At sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gabriel Adeleye, Kofi Acquah-Dadzie, Thomas J. Sienkewicz, World dictionary of foreign expressions: a resource for readers (1999) "Servus servorum Dei", pahinang 361.
  2. Ian Robinson The papal reform of the eleventh century p326 - 2004 "Gregory bishop, servant of the servants of God, to the archbishops, bishops , dukes, counts and the greater and lesser men in the kingdom of the Germans, greeting and apostolic blessing."