Tagapagsanay (palakasan)
Sa palakasan, ang tagapagsanay ay ang taong sangkot sa panuto, tagubilin, at operasyon ng pagsasanay ng grupo ng manlalaro o ng isang indibidwal na atleta. Ang tagapagsanay ay maaari ring isang guro.
Ang mga kurso sa pagsasanay at mga seminar sa pag-eensayo ay dumarami. Isang importanteng ginagampanan ng mga tagapagsanay, lalo na ang mga tagapagsanay ng kabataan, ay ang pagtitibay ang kaligtasan para sa mga kabataang atleta. Ito ay nangangailangan ng kaalaman tungkol sa resusitasyong kardyopulmonaryo, pag-iwas sa kakulangan ng tubig sa katawan, at pagsunod sa alituntunin sa pamamaraan tungkol pagkawala ng malay.
Ang mga tagapagsanay ay madalas din na gumagawa ng plano sa paglalaro o alituntunin sa mga gagawin ng kanilang manlalaro habang naglalaro. Sa bawat palakasan, mayroong iba’t ibang plano ng paglalaro. Halimbawa, sa larong putbol, ang tagapagsanay ay maaaring pumili na magkaroon ng isang tagabantay, apat na taga-depensa, tatlo na nakapwesto sa gitna, at dalawa sa harapan. Depende sa mga tagapagsanay na mag-desisyon kung ilang manlalaro ang maglalaro sa bawat posisyon sa oras ng laro, hangga’t hindi sila lumalagpas sa pinakamaraming bilang ng mga manlalaro na pinapayagang maglaro sa laro. Depende rin sa tagapagsanay kung saang posisyon maglalaro ang isang atleta.