Talaan ng mga kontrabida sa Pokémon

Ito ang talaan ng mga kontrabidang organisasyon sa laro at anime ng prankisang-nahihiram (franchise) ng Pokémon.

Talaan

baguhin

Team Rocket

baguhin

Ang Team Rocket (ロケット団, Roketto Dan) ang unang sindikatong pinalabas sa animé na Pokémon. Sa bawat serye at laro ng Pokémon, layunin ng Team Rocket na magnakaw ng Pokémon para sa pagsakop ng mundo. Ang lider nila ay si Giovanni.


Mga Tauhan

baguhin
  • Jessie at james
    • Ang madalas na makikitang Team Rocket ay sina Jessie at James na may kasamang Meowth. Hinahabol nila si Ash dahil (kahit hanggang sa serye ng Sinnoh) sa espesyal na Pikachu niya para ipakita kay Giovanni. Madalas din silang pumapalpak. Ang mga Pokémon nila ay ang sumusunod: Koffing/Weezing, Victreebel (2), Lickitung (pinalit na kay Wobbuffet), Magikarp (tinapon din ni James sa dagat dahil ito raw ay walang gamit), Ekans/Arbok, Seviper, Clamperl (kinuha ni Ash), Meowth, Wurmple/Cascoon/Dustox, Cacnea(ibinigay ni James kay Gardenia-grass gym lider sa Eterna City) , Mime Jr. at Carnivine. Sa serye ng Black & White, sila ay binigyan ng misyon ng kanilang boss para tangkain sakupin ang buong rehiyon ng Unova at hindi na sila gaanong humahabol kay Pikachu. Ang lahat ng kanilang Pokémon maliban kay Meowth ay iniiwan sa punong-himpilan ng Team Rocket dahil sinabi sa kanila ng sekretarya na makakaagaw pansin ang kanilang Pokémon na hindi makikita sa buong rehiyon ng Unova. Sa ganon, nakahuli si Jessie ng Woobat at Yamask naman kay James.
  • Cassidy at Butch
    • Ang bihirang makita sa animé na Team Rocket. Sila ay mas mabilis kumilos at magaling magnakaw at manghuli ng Pokémon kaysa kina Jessie at James. Iba rin ang suot nilang damit.

Team Magma

baguhin

Ito ay isang organisasyong lumabas sa Pokémon Ruby at Sapphire. Gusto nilang gamitin si Groudon upang lumaki ang land mass ng mundo.

Team Aqua

baguhin

Ito ay isang organisasyong lumabas sa Pokémon Ruby at Sapphire. Gusto nilang gamitin si Kyogre upang tumaas ang lebel ng tubig sa mundo.


Team Galactic

baguhin

Ang kontrabidang organisasyong ito ay lumabas sa Pokémon Diamond at Pearl.


Team Plasma

baguhin

Ang kontrabidang organisasyong ito ay lumabas sa Pokemon Black at White. Gusto nilang palayain ang lahat ng mga Pokemon mula sa tao. At gamitin nila sina Zekrom (sa Pokemon White) o kaya kang Reshiram (sa Pokemon Black) para magawa nila ito.