Talahuluganang Tagalog

Ang talahuluganang Tagalog o diksiyunaryong Tagalog, na may kaugnayan sa talahuluganang Filipino o diksiyunaryong Filipino, ay isang uri ng talahuluganan o diksiyunaryo na naglalaman ng mga salita o ng talasalitaan na nasa wikang Tagalog, o kaya ay nasa tinatawag ngayong wikang Filipino at may katumbas na mga kahulugan ng mga salitang ito. May mga talahuluganang Tagalog na maaaring kakitaan ng pamagat na talahuluganang Pilipino o diksiyunaryong Pilipino. Ang ibang mga talahuluganang Tagalog ay mayroong katumbas na nasa ibang wika upang matulungan ang mga tagapagsalinwika sa kanilang gawain ng pagsasalinwika mula sa o papunta sa wikang Tagalog o sa wikang pagsasalinan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Diksiyunaryong Tagalog-Ingles na inakdaan ni Leo James English at ang Ta’u-sug–English–Tagalog Dictionary na inakdaan ni Hamsali Jawali. Isa pang halimbawa ng talahuganang Tagalog ay ang Diksiyunaryong Pilipino (1973) ni Jose Villa Panganiban.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.