Tatlumpung Taong Digmaan

Ang Tatlumpung Taong Digmaan (1618-1648) (Ingles: Thirty Years' War) ay isa sa mga pinakamapinsalang hidwaan sa kasaysayan ng Europa. Ang digmaan ay halos-lahat pinaglabanan sa dakong ngayon ay kinalalagyan ng Alemanya, at sa ilan-ilang mga yugto ay kasangkot ang karamihan sa mga bansa sa Europa.

Les Grandes Misères de la guerre ("Ang Mga Malalaking Paghihirap sa Digmaan") ni Jacques Callot, 1632.

Ang pinagmulan ng hidwaan at ang layunin ng mga nasangkot ay masalimuot, at walang iisang dahilan na maaaring ilarawan bilang ang pangunahing sanhi ng pag-aaway. Sa umpisa, ang digmaan ay pinaglabanan bilang isang hidwaang panrelihiyon sa pagitan ng mga Protestante at mga Katoliko sa Banal na Imperyong Romano, bagaman ang mga tunggalian sa politikang panloob at ang balanse ng kapangyarihan sa loob ng Imperyo ay nagsilbing mahalagang dahilan. Unti-unti, ang digmaan ay lumaki at naging tunay na tunggaliang kinasasangkutan ng karamihan sa mga kahariang Europeo[1]. Sa yugtong ito, ang digmaan ay mas naging pagpapatuloy ng labanang Borbon-Habsburgo para sa kadakilaang pampolitika sa Europa, at sa gayon ay nagdala ng higit pang mga pag-aaway sa pagitan ng Pransiya at mga kahariang Habsburgo, at mas hindi na tungkol sa relihiyon[2].

Isang malaking kahihinatnan ng Tatlumpung Taong Digmaan ay ang malawakang pagkakasira ng mga pamayanan, na inabuso ng mga nagdagsaang hukbo (bellum se ipsum alet, "ang digmaan ay magpapakain sa kaniyang sarili"). Ang pagkakagutom at mga sakit ay nagbawas sa populasyon ng mga estadong Aleman, Bohemya, mga Mabababang Lupain at Italya, habang nauubusan naman ng pondo ang mga kahariang naglalabanan.

Ang Tatlumpung Taong Digmaan ay nagwakas sa mga tratado ng Osnabrück at Münster, bahagi ng mas malaking Kapayapaan ng Westphalia[3].

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Thirty-Years-War". Western New England College. Retrieved 2008-05-24.
  2. "Thirty Years' War". Encyclopædia Britannica. Retrieved 2008-05-24.
  3. Wilson, Peter. "Europe's Tragedy". Penguin, 2009, p.735-755



  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.