Tawny Kitaen
Si Julie "Tawny" Kitaen /kɪˈteɪ.ən/ (ipinanganak noong 5 Agosto 1961)[1] ay isang Amerikanang aktres at personalidad ng midya. Naging tanyag siya noong dekada ng 1980 dahil sa paglitaw sa ilang matitinding mga bidyong pang-rock para sa bandang Whitesnake, kabilang ang patok na "Here I Go Again". Si Kitaen naging kasal sa pangunahing mang-aawit ng Whitesnake na si David Coverdale magmula 1989 hanggang 1991. Nagkaroon siya ng mga nauulit na gampanin sa maraming mga seryeng pantelebisyon, katulad ng Hercules: The Legendary Journeys at naging kasamang tagapagpasinaya sa America's Funniest People mula 1992 hanggang 1994. Naaresto siya noong 2006 dahil sa pagtataglay ng ipinagbabawal na gamot,[2] kaya't naglabas-masok sa mga programang pangrehabilitasyon. Naging bahagi siya ng tauhan sa makatotohanang palabas na The Surreal Life noong 2006, at naging isa sa mga pasyente ng Season 2 ng Celebrity Rehab with Dr. Drew. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]
Tawny Kitaen | |
---|---|
Kapanganakan | Julie Kitaen 5 Agosto 1961 San Diego, California |
Tangkad | 5 talampakan 7 in (1.7 m) |
Asawa | David Coverdale (1989–1991) Chuck Finley (1997–2002) |
Anak | Wynter Merin Finley (ipinanganak noong 1993) Raine Finley (ipinanganak noong 1998) |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Time Waster. "Tawny Kitaen: Major League Hitter". The Smoking Gun. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-26. Nakuha noong 2011-01-29.
- ↑ "Tawny Kitaen enters drug rehab for cocaine - Celebrities - MSNBC.com".
- ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 5 Abril 2012.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.