Peter Ilyich Tchaikovsky

(Idinirekta mula sa Tchaikovsky)

Si Pëtr Il’ič Čajkovskij, na binabaybay din bilang Pyotr Ilyich Tchaikovsky o Peter Ilyich Tchaikovsky (Siriliko: Пётр Ильич Чайковский) (7 Mayo 1840–6 Nobyembre 1893) ay isang kompositor na Ruso ng panahong Romantiko.

Si Peter Ilyich Tchaikovsky.

Talambuhay

baguhin

Sensitibo at interesado sa musika mula sa kanyang maagang pagkabata, si Tchaikovsky ay naging dalubhasang kompositor sa edad na 14. Noong 1862 nagsimula siyang mag-aral sa New St. Petersburg Conservatory; Mula 1866 nagturo siya sa konserbatoryo ng Moscow. Ang kanyang Piano Concerto No. 1 (1875) ay nag-premiered sa Boston at naging pinakapopular na musika noong panahong iyon. Isinulat niya ang kanyang unang ballet, Swan Lake (unang ginanap noong 1877), sa komisyon mula sa Bolshoi Ballet. Noong 1877, nakatanggap siya ng komisyon mula sa mayaman na si Nadezhda von Meck (1831-94), na naging kanyang patron at matagal na tagasuporta. Ang kanyang opera na Eugene Onegin (1878) ay sumunod sa pagkalikha sa panahong iyon. [1]

Bagama't homosekwal, siya ay kinasal sa isang babae; Pagkatapos ng tatlong nakapipinsalang buwan ng kasal, sinubukan niya ang pagpapakamatay. Dahil dito, hindi gaanong nakapukaw sa mga kritiko at mga mahaharlikang tao ang kanyang mga nalikhang komposisyon sapagkat nakakaapekto na ang imahe ng kanyang personal na buhay sa kanyang karera. Ang kanyang ikalawang ballet, "Sleeping Beauty" (1889), ay sinusundan ng kanyang opera sa pangalang "the Queen of Spades" (1890) at ang kanyang sikat na ballet na "the Nutcracker" (1892). Ang Pathétique Symphony (1893) ay may apat na araw bago ang kanyang kamatayan mula sa kolera; sinasabing siya ay pinilit na magpakamatay ng mga maharlika na nagagalit dahil sa kanyang umano'y homosekswalidad. [1][2]

Impluwensiya sa musika

baguhin

Binago niya ang genre ng ballet sa pamamagitan ng pagbabago nito mula sa isang engrandeng pandekorasyon na kilos sa isang itinanghal na drama sa musika. Ang kanyang musika ay palaging may mahusay na popular na apela dahil sa mga mahilig, matapang na melodiya, kahanga-hangang mga harmonya, at makulay, kaakit-akit na orkestrasyon.[1]

Mga Piniling Gawa

baguhin
  • Piano Concerto No. 1 - Ginawa ni Tchaikovsky noong 1875 at itinugtug sa Boston. May sabi-sabi na hindi kagustuhan ni Nikolay Rubinstein na tutugin ito pero si Hans von Bülow ay pumayag at nagustuhan ang musikang ito.[3]
  • 1812 Overture - Ginawa noong 1880, ito ay ikinumisyon para sa pagmamarka ng konsekrasyon ng bagong Katedral ng Hesukristong Ating Tagapagligtas. Ito rin ay nagsilbing pasalamat sa pagwagi ng bansang Rusyo sa bansang Pranses.[4]
  • The Nutcracker - Isang ballet na ginawa ni Tchaikovsky mula 1891 hanggang 1892. Ito ay ikinumisyon ni Ivan Vsevolozhsky, Direktor ng Russian Imperial Theaters.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Britannica Concise Encyclopedia Revised and Expanded Edition, Encyclopedia Britannica Inc., 2006
  2. "Pyotr Ilyich Tchaikovsky - Years of fame | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-10-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. A guide to Tchaikovsky's Piano Concerto No. 1, CBC Music
  4. "1812 Overture, Pyotr Ilyich Tchaikovsky". Age of Revolution. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-12-28. Nakuha noong 2022-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Nutcracker - Tchaikovsky Research". en.tchaikovsky-research.net. Nakuha noong 2022-12-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Musika at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.