Teatro Pilipino
Ang Teatro Pilipino ay isang pamalagiang kompanya ng drama sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1987. Itinatag ito ng Pilipinong mandudula, mansasalinwika, direktor, at edukator na si Rolando S. Tinio, na naglingkod dinbilang Direktor na Pangsining nito. Ang kompanya ay nakatuon sa paglikha ng mga klasikong akda ng mundo na isinalinwika, pati na ang natatanging mga dulang Pilipino, dahil mayroon itong layunin na itaguyod ang kaunlarang pangkultura ng kabataan at ng wikang Filipino sa pamamagitan ng teatro.
Pinatanyag ng Teatro Pilipino sa mga manonood na mga Pilipino ang maraming bilang ng mga klasikong piyesa ng panitikan ng pandaigdigang tanghalan sa pamamagitan ng pagsasalinwika ng mga panitikang ito papunta sa wikang Filipino. Naniwala si Rolando S. Tinio na sa pamamagitan ng pagsasalinwika ng mga panitikang ito para sa mga manonood na Pilipino ay naisasalinwika rin niya ang mga pilosopiya at mga ideolohiyang nasa likuran ng mga dulang ito. Bilang ganito, ang produksiyon ng ganiyang mga dula ay gumanap bilang mga sasakyan upang maturuan o mabigyan ng edukasyon ang mga manonood na Pilipino.
Tingnan din
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.