Theodore "Ted" Ginn, Jr. (ipinanganak noong 12 Abril 1985 sa Cleveland, Ohio) ay isang American Football wide receiver na kasalukuyang naglalaro para sa koponan ng Miami Dolphins sa National Football League. Siya ay ang first round pick ng Dolphins, ika-9 sa pangkalahatang 2007 NFL Draft. Siya ay naglaro noong siya ay kolehiyo pa lamang sa Ohio State University.

Ted Ginn, Jr.
Miami DolphinsNo. 19
Wide receiver
Date of Birth: (1985-04-12) 12 Abril 1985 (edad 39)
Place of Birth: Cleveland, Ohio Estados Unidos
Height: 5 ft 11 in (1.8 m) Weight: 178 lb (81 kg)
National Football League Debut
No regular season appearances
Career Highlights and Awards
Career History
College: Ohio State
NFL Draft: 2007 / Round: 1 / Pick: 9
 Teams:

Karera sa High School

baguhin

Si Ginn ay naglaro para sa kanyang ama na si Ted Ginn, Sr., sa high school sa Glenville High School sa Cleveland, Ohio. Si Ginn Jr ay napili bilang 2004 USA Today Defensive Player of the Year at 2004 Parade All-American. Siya din ay hinirang bilang 2004 SuperPrep National Defensive Player of the Year at Most Valuable Player of the Year ng U.S. Army All-America game. Walong pasa ang kanyang hinadlangan bilang isang senior, at ibinalik ang lima sa kanila para sa touchdowns. Isa sa kanyang mga hinadlangan at ibinalik na pasa ay naging isang state-record na 102-yard touchdown, habang ang isa ay 98-yard score naman. Bilang isang junior, siya ay naging national champion sa 110 high hurdles at kanyang naitala ang pinakamahusay na oras sa bansa bilang isang senior ng kanyang mapanalunan ang state title sa dalawang magkasunod na taon. Bilang isang senior sa High School, siya ay tumakbo ng 7.44 sa 55 meter high hurdles, 7.98 sa 60 meter high hurdles, 13.26 (+2.8 wind rating) at 13.40 (-1.2 wind rating) sa 110 meter high hurdles, 21.16 para sa 200 meter dash (+0.0 wind rating), 46.57 sa 400 meter dash, at 36.73 sa 300 meter intermediate hurdles.[1] Naka-arkibo 2008-12-02 sa Wayback Machine.[2] Naka-arkibo 2011-08-09 sa Wayback Machine., [3] Naka-arkibo 2011-08-09 sa Wayback Machine. Siya ay hindi opisyal na inorasan sa 10.5 segundo para sa 100 meter dash at 4.31 segundo para sa 40 yard dash. [4] Naka-arkibo 2006-05-22 sa Wayback Machine.

Mga award at parangal sa High School

baguhin

Karera sa kolehiyo

baguhin

Bilang isang freshman, si Ginn ay nakaranas ng katamtamang playing time at tinapos ang 2004 season na may 25 receptions para sa 359 yards at 2 touchdowns. Siya din ay tumakbo ng 113 yards at 2 touchdowns, at nanguna sa bansa sa kanyang 25.6 yards per punt return average, at ibinalik ang apat na punts para sa mga touchdowns. Isa sa mga hindi makakalimutang mga sandali sa kanyang freshman season ay ang kanilang panalo laban sa koponan ng Indiana na may iskor na 30-7. Isang pasa para kay Ginn sa umpisa ng first quarter ang nasanggi ni diving buster Larkins, ngunit nakuha pa din ni Ginn. Si Ginn ay tumakbo at kanyang natakasan ang ilang mga defender at tackles para sa kanyang kagilas-gilas na 59 yard touchdown na mas mukhang kick return kaysa sa reception touchdown. [5]

Si Ginn ay nakaangat bilang Buckeyes Starting receiver sa kanyang sophomore year noong 2005. Kanyang tinapos ang season na may 51 receptions para sa 803 yards at apat na touchdowns. Kanya ding ibinalik ang 18 kickoffs para sa 532 yards, kasama ang kanyang 25 punts para sa 250 yards.

Pagpasok ng 2006 season, si Ginn ay kinonsidera ng marami bilang preseason candidate para sa Heisman Trophy at Biletnikoff Award. Siya ay naging second team All-American selection at nagtapos bilang pinakamagaling na receiver ng Buckeyes kasama ang kanyang 59 catches para sa 781 yards, habang nagdagdag ng 706 yards at dalawang touchdowns sa special teams. Ibinalik ni Ginn ang opening kickoff ng 2007 BCS National Championship Game sa 92 yards para sa isang touchdown. Na-sprain ang kanyang kaliwang paa ng ang kanyang kakampi na si Roy Hall, ngayon ay naglalaro para sa Indianapolis Colts, ay napadausdos kay Ginn sa kanilang pagdiriwang kasunod ng touchdown. Nilisan ni Ginn ang laro at hindi na nakabalik. [6]

Tinapos ni Ginn ang kanyang karera sa Ohio State na may 125 receptions para sa 1,943 yards at 15 touchdowns sa loob ng 37 na laro. Siya din ay tumakbo ng 213 yards, ibinalik ang 38 kickoffs para sa 1,012 yards, at nagtamo ng Big Ten record 900 yards sa 64 punt returns. Sa pangkalahatan, siya ay nagtamo ng 4,068 total yards and scored 26 touchdowns.[7] Naka-arkibo 2007-03-25 sa Wayback Machine.

Mga award at parangal sa kolehiyo

baguhin

Propesyonal na karera

baguhin

2007 NFL Draft

baguhin

Si Ginn ay napili ng Miami Dolphins bilang ika-9 na pick sa pangkalahatan sa first round ng 2007 NFL Draft. Marami ang umaasa na pipiliin ng Dolphins ang Notre Dame quarterback na si Brady Quinn dahil sa pangangailangan ng Dolphins ng isang quarterback. Ang pagpili kay Ginn ay binati ng pangungutya ng maraming tagahanga ng Dolphins sa draft.

Pre-draft measureables
Wt 40 yd 20 ss 3-cone Vert BP Wonderlic
178 lb 4.38s[1] X X X X X

(* represents NFL Combine)

Miami Dolphins

baguhin

Bagamat sinuot ni Ginn ang No. 11 sa unang pagsasanay ng koponan sa minicamp, ipinahayag na No. 19 ang isusuot ni Ginn sa regular na season bilang parangal sa kanyang ama, na isinuot ang numero sa high school.[8] Naka-arkibo 2007-05-09 sa Wayback Machine.

Si Ginn ay naupo lamang sa unang linggo ng Dolphins minicamp, dahil sa kanyang foot injury na kanyang natamo sa kanyang huling laro sa kolehiyo.[2]

Trivia

baguhin
  • Hinimok ng coach ng OSU track team si Ginn na tumakbo para sa kanila sa paniniwalang maari siyang makasali sa 2008 Olympics.[3]
  • Nabanggit si Ginn The Dead Schembechlers, sa kantang "Ted Ginn Did Everything", kung saan sadyang pinakwela ang kanyang mga tagumpay upang makapagbigay-aliw
  • Hawak ni Ginn ang rekord sa Big Ten para sa pinakamaraming career returns for a touchdown (6).

References

baguhin
  1. http://www.nfldraftscout.com/ratings/profile.php?pyid=10413
  2. http://www.dailypress.com/sports/dp-37709sy0may20,0,2536017.story?coll=dp-sports-local[patay na link]
  3. Harris, Doug (2005-04-07). "Ginn emphasizes football for; Speedster puts track career on hold". Dayton Daily News. pp. C8. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |date= (tulong)
baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.