Tefnakht
Si Shepsesre Tefnakht (sa Griyego ay kilala na Tnephachthos) ang prinsipe ng Sais at ang tagapagtatag ng relatibong maikling Ikadalawampu't apat na Dinastiya ng Ehipto na umakyat na maging Hepe ng Ma sa kanyang tahanang lungsod. Siya ay pinaniniwalaang naghari ng tinatayang 732 BCE o 7 taon. Sinimulan ni Tefnakht I ang kanyang karera bilang Dakilang Hepe ng Kanluran at Prinsipe ng Saïs at huling kakontemporaryo ng huling pinuno ng Ikadalawampu't dalawang dinastiya ng Ehipto. Si Tefnakht I ay aktuwal na ikalawang pinuno ng Saïs. Siya ay naunahan ni Osorkon C na pinatutunayan ng ilang mga dokumento na nagbabanggit sa kanya bilang Hepe ng Ma at Pinuno ng Hukbo ng siyudad na ito.[2] Ang isang kamakailang estatwa na inalay ni Tefnakht I kay Amun-Re ay naghahayag ng mga importanteng detalye ng kanyang mga pinagmulan.[3] Ang teksto nito ay nagsasaad na si Tefnakht ang anak ng isang Gemnefsutkapu at apo ni Basa na isang saserdote ni Amun sa Sais.ref>Del Francia, pp.63-112 & 76-82</ref>
Tefnakht | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | 732–725 BCE (24th Dynasty) |
Hinalinhan | Interregnum-Osorkon IV-23rd Dynasty unrest, civil war |
Kahalili | Bakenranef |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tefnakht
- ↑ KA Kitchen, The Third Intermediate Period in Egypt (1100–650 BC), 3rd ed. 1996, Aris & Phillips Limited., pp.351 & p.355
- ↑ P.R. Del Francia, "Di una statuette dedicate ad Amon-Ra dal grande capo dei Ma Tefnakht nel Museo Egizio di Firenze", S. Russo (ed.) Atti del V Convegno Nazionale di Egittologia e Papirologia, Firenze, 10-12 dicembre 1999, Firenze, 2000, 63-112, 76-82