Telegramang Zimmermann
Ang Telegramang Zimmermann, na nakikilala rin bilang Sulat na Zimmermann o Liham na Zimmermann, ay isang telegrama mula sa Alemanya patungo sa Mexico noong Enero 16, 1917 na nag-aalok sa Mexico ng pagbabalik ng mga teritoryo bilang kapalit ng pagpapahayag ng digmaan laban sa Estados Unidos.[1] Ito ang dahilan kung bakit lumahok ang Amerika sa Unang Digmaang Pandaigdig. Pinangalanan ito mula sa lalaking Aleman na nagpadala nito, na si Arthur Zimmermann. Si Zimmerman ay ang Sekretary ng Ugnayang Panlabas ng Alemanya. Ipinadala ito ni Zimmermann sa embahador ng Alemanya na nasa Estados Unidos, na si Johann von Bernstorff. Ipinadala naman ni Bernstorff ang telegrama sa embahador ng Alemanya na nasa Mexico, na si Heinrich von Eckardt.
Palihim na nakuha ng mga Britaniko ang telegram. Nagawa nilang basahin at unawain ang nakakodigong sulat. Hindi nila ibinunyag ang telegram hanggang Pebrero 24, 1917. Pagdaka ay ibinigay nila ito kay Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos (Nagkakaisang mga Estado) ng Amerika. Inilathala ni Pangulong Wilson ang telegrama upang maipakita sa mga tao ng Estados Unidos. Nagalit ang mga Amerikano dahil sa telegramang ito. Hiniling ni Wilson sa Konggreso (na gumagawa ng mga batas para sa Estados Unidos) na magpahayag ng digmaan (pahintulot na makidigma laban sa isang bansa). Tinanggap ng Konggreso ang kahilingang ito noong Abril 2, 1917). Opisyal na ipinahayag ng Estados Unidos ang pakikidigma laban sa Alemanya noong Abril 6, 1917. Hindi nais ng Amerika na sumali sa digmaan. Ang Telegramang Zimmermann ang dahilan kung bakit lumahok sa digmaan ang Nagkakaisang mga Estado ng Amerika.
Binalewala ng Mexico (na mas mahina kaysa sa Estados Unidos) ang panukala ng Alemanya. Opisyal na tinanggihan ng Mexico ang alok ng Alemanya pagkaraang sumali sa digmaan ang Estados Unidos.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R132.