Tensiyong seksuwal

(Idinirekta mula sa Tensiyong Sekswal)

Ang tensiyong seksuwal o kaigtingang seksuwal ay isang panlipunang penomena na nangyayari tuwing may interaksiyon sa dalawang indibiduwal, at isa o pareho sa kanila ay nakakaramdam ng seksuwal na pagnanais subalit ang pagnanais na ito ay napapagliban o hindi natutupad. Isang madalas na pangyayari ay tuwing magkalapit ang dalawa sa kanilang pang-araw-araw na buhay, tulad na lamang sa mga magkatrabaho o sa grupo ng magkakaibigan, pero hindi sila nagtatalik para maiwasan ang nakakailang na sitwasyon. Isa pang madalas na pangyayari ay tuwing limitado lamang sa pisikal na anyo ang pagkaka-akit ng dalawang tao, at walang bahid ng emosyon.

Maaari ding mangyari ang tensiyong seksuwal sa dalawang indibiduwal na nagkaroon na ng relasyong seksuwal at may natitira pang atraksiyon subalit hindi na nila ito nais ipagpatuloy dahil sa takot na makakaapekto ito sa kanilang panlipunang sitwasyon (tulad na lamang ng pagkakaroon ng ibang katuwang.) Nararamdaman din ito sa mga sitwasyon kung saan ang dalawang indibiduwal ay may relasyon na kulang sa pisikal na pakikipag-ugnayan, parang isang relasyong pangmalayuan.

Madalas na nangyayari ang tensiyong seksuwal sa mga magkakaibigan na may malapit at malanding relasyon sa isa't isa, ngunit ayaw nilang tanggapin ang nararamdaman nila sa kanilang mga sarili at sa iba. Samantala, posibleng sobrang kapansin-pansin na ito para sa mga ibang kaibigan/katrabaho nila. Sinasabi na tuwing nagkakaroon ng tensiyong seksuwal, nagiging komplikado at nakakailang ang relasyon kung hindi ito magbubunga ng bagong antas ng pagsasama, dahil mawawalan na ng saysay ang relasyon na nabuo bago maganap ang pagtatalik.

Karaniwan itong ginagamit sa paglalarawan ng mga kuwentong hindi makatotohanan. Ang pagnanais na ito ay madalas dinadala ng mga pagkakataon na magkalapit (o magkadikit) ang dalawang tao o tauhan, sa isang lugar, ngunit hindi talaga naipaparamdam. Isa pang madalas na tema ay ang pagbubuo ng nararamdaman ng dalawang tauhan sa isa't isa, at pag nagawa nang mabuti ay mapapansin ng mga manonood ang nagbubungang atraksiyon.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.