Si Teo S. Baylen ay isinilang sa Noveleta, Cavite noong 21 Enero 1904.

Teo Baylen
Trabahomanunulat

Ayon sa Talaang Bughaw ni A.G. Abadilla at pinagtibay naman ng Surian ng Wikang Pambansa, siya ang Makata ng Taong 1962 at Taong 1964.

Nagkamit din siya ng Republic Cultural Heritage Award for Literature noong 1963 at naging Palanca Awardee noong 1965.

Ang aklat-katipunan ng kanyang mga tula ay ang Pinsel at Pamansing at Kalabaw at Buffalo. Ang Tinig ng Darating at Rx ay mga aklat-katipunan din ng mga tula ni Baylen. Katatapos pa lamang niya ng haiskul ay nakapagsulat na siya ng humigitkumulang sa 500 mga tula, maikling kuwento at mga sanaysay sa iba't ibang kilalang mga magasin.

Siya ay di lamang kilalang manunulat. Isa rin siyang musikero at kompositor. Ang Landas ng Kadakilaan, Unang Ginang Imelda, at Ramon Magsaysay March ay tatlo sa kanyang -mga pinakapopular na komposisyon.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.