Ang termokimika ay ang agham na nag-aaral sa heat energy na kalakip ang mga reaksiyong kimikal at/o pag-iiba ng anyo o phase change ng isang bagay gaya ng pagkatunaw ng yelo o pagkulo ng tubig. Ang isang reaksiyon ay maaaring magbigay o kumuha ng enerhiya na pwede ring mangyari sa phase change. Ang sentro ng termokimika ay tungkol sa pagpapalitan ng enerhiya ng isang sistema at ang mga bagay na nakapalibot dito sa pamamagitan ng init. Ito ay mahalaga upang magkaroon ng ideya kung ano ang maaaring reactant o panimulang materyales at product o ang kalalabasan ng isang reaksiyon mula sa reactant. Kung isasama naman ang konseptong ito sa pagkuha ng entropya, ito’y magagamit sa pagtukoy kung ang isang reaction ay spontaneous o non-spontaneous at favorable o hindi.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.