Si Tesibius ng Alejandria, kilala rin bilang Ctesibios, Ctesibius o Ktesibios (Griyego: Κτησίβιος, Ktêsíbios) 285 - 222 BK) ay isang Sinaunang Griyegong pisiko, imbentor[1][2], at matematikong namuhay sa Alejandria[2], Tolemaikong Ehipto. Siya ang sumulat ng unang mga trataso o pormal na pagtalakay hinggil sa agham ng kumpresyon o pagsiksik ng hangin at ng mga gamit nito sa mga pambomba (at maging pati na sa mga kanyon). Dahil dito, kasama ang kanyang mga gawa sa teoriya ng elastisidad o pagkanababanat ng hangin, ang akdang On pneumatics ("Ukol sa Nyumatiks"), ang nakapagbigay sa kanya ng pamagat na "ama ng nyumatiks." Wala sa kanyang mga sulatin ang umiiral pa sa ngayon, kabilang ang kanyang Memorabilia, isang kalipunan ng mga pananaliksik niyang binanggit ni Athenaeus. Kabilang sa mga naimbento ni Tesibius ang mga imbensiyong mekanikal, kasama na ang orasang de-tubig at bombang de-puwersa.[2]

Tesibius
Kapanganakan284 BCE
  • (Alexandria Governorate, Ehipto)
Kamatayan221 BCE
Trabahoimbentor, matematiko, inhenyero

Mga sanggunian

baguhin
  1. Encyclopaedia Britannica: "Greek physicist and inventor, the first great figure of the ancient engineering tradition of Alexandria, Egypt."
  2. 2.0 2.1 2.2 "Ctesibius". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng C, pahina 623.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Gresya, Pisika at Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.