Test Statistic

Ang statistic ay isang numerical na quantity galing sa isang sample, o set ng mga bagay na kumakatawan sa kabuuan. Kapareho ang masasabi natin na kumakatawan sa isang test statistic. Bukod pa sa rito, ang kanyang halaga ay ginagamit upang makapagbuo ng desisyon kung kailangan bang tanggihan o hindi ang null hypothesis sa hypothesis test. Ang sampling distribution ay ng probability distribution nang statistic. Yun ay, ito ang dsitribusyon na ating makukuha kung tayo ay kumuha ng lahat ng posibleng sampl na magkakaparehong laki galing sa populasyon, at kinukuha ito nang random.

Sa ilalim nang konteksto nang hypothesis testing, ang sampling distribution ay ang probability distribution ng test statistic kung saan mayroon tayong sample size na permanente at akalain na ang null hypothesis a totoo. Sa parametric na kaso at continuous random variables, imposible na makinita lahat nang posibleng resulta at isulat ang mga ito. Dahil dito, tayo ay umaasa sa mga teorya. Isang teorya ay ang Central Limit Theorem. Sa ilalim ng sampling galing sa isang Normal distribution, ating tinutukoy ang mga statistics tulad nang Z, Z2, t at F partikular sa mga sampling distribution: standard normal, chi-square, t at F.

Ang sampling distribution ay nagbibigay sa atin ng p-values: ang p-value ay ang probabilidad nang pagkuha ng resulta na kahit papaanong kasing-sukdulan o mas sukdol pa nang aktuwal na nakuha. Kapag tayo ay nakapagobserba o nakakuha ng test statistic na hindi sumasang-ayon sa atin null hypothesis, doon ay may rason tayo upang ito ay ating hindi tanggapin. Ang pagiging inconsistent ay nangangahulugang ang test statistic ay nahulog sa rehiyon na matatawag nating rejection region.

Ang bawat nonparametric test na ating matatalakay ay mayroong katumbas na test statistic (ang iba ay maikli habang ang iba naman ay mahaba), at ang bawat test statistic ay may sariling sampling distribution, na ibinibigay naman sa kaparaanan nang mga tables.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.