The Return of Superman
The Return of Superman (Hangul:슈퍼맨이 돌아왔다; kilala rin bilang Superman is Back at Superman Returns) ay isang reality-variety show na ipinapalabas ng KBS2 sa bansang Timog Korea. Ang programa ay kinukunan ng mga i sinet-up na camera at ng mga potograpo na nagtatago sa mga tents at playhouses na makikita sa bawat bahay ng mga pamilya na kasali sa programa.
The Return of Superman | |
---|---|
Gumawa | KBS |
Pinangungunahan ni/nina | |
Isinalaysay ni/nina | Hye-young Jung |
Kompositor | John Williams |
Wika | Koreano |
Bilang ng season | 1 |
Bilang ng kabanata | 68 (patuloy) |
Paggawa | |
Prodyuser | Kang Bong-gyu |
Lokasyon | Timog Korea, Japan |
Ayos ng kamera | Multicamera Setup |
Oras ng pagpapalabas |
|
Ang orihinal na tatlong espesyal na episode ng programa ay ipinalabas noong 19 Setyembre 2013 hanggang 21 Setyembre 2013 bilang espesyal na bahagi ng Chuseok Festival, na pinangungunahan nina Hwi-jae Lee, Sung-hoon Choo, Jang Hyun-sung, Lee Hyun-woo at ng kanilang mga anak sa totoong buhay at kasama ang aktres na si Yoo Ho-jeong bilang ang tagapagsalaysay ng programa.
Noong 17 Oktubre 2013, ipinahayag ng KBS na ang The Return of Superman ay opisyal na magiging bahagi ng Happy Sunday at nagsimula ito noong 3 Nobyembre 2013. Ito ay isa sa dalawang kasalukuyang bahagi ng Happy Sunday. Ang programang ito ang pumalit sa Star Family Show Mamma Mia na inilipat tuwing Miyerkules ng gabi.[1]
Sinopsis
baguhinAng mga celebrity dads (sikat o tanyag na mga ama) ay maiiwang mag-isa sa loob ng 48 na oras para mag-alaga ng kanilang anak habang ang kanilang mga asawa ay aalis ng bahay upang magkaroon ng oras para makapag-relaks.
Sa loob ng 48 na oras, gumagawa sila ng mga magagandang ala-ala kasama ng kanilang mga anak at gagawin nila ang mga isinulat na gawain ng kanilang mga asawa. Paminsan-minsan ang mga sikat na kaibigan ng mga tatay ay pumapasyal at bumibisita sa kanila upang makipag-ugnayan o makipag-kaibigan sa kanilang mga anak.
Mga Tauhan
baguhinKasalukuyang Tauhan
baguhin*Ang mga bata ay nakalista mula sa panganay hanggang sa pinaka-bunso. Ang mga pamilya ay nakalista batay sa pagkakasunud-sunod ng paglitaw nila sa programa.
Panahong Itinagal | Ama | Mga Anak | Ina / Asawa | Lokasyon |
---|---|---|---|---|
|
Hwi-jae Lee Host / Komedyante |
Anak na Lalaki: Seo-eon Lee Kapanganakan: 15 Marso 2013 (Kambal) |
Jeong-won Moon Florist / Endorser |
Gangnam, Seoul, Timog Korea |
Anak na Lalaki: Seo-jun Lee Kapanganakan: 15 Marso 2013 (Kambal) | ||||
|
Sung-hoon Choo MMA Fighter |
Anak na Babae: Sa-rang Choo Kapanganakan: 24 Oktubre 2011 [2] |
Shiho Yano Modelo |
Minato, Tokyo, Japan |
2014 Episodes 34-Present |
Il-Gook Song Aktor |
Anak na Lalaki: Dae-han Song Kapanganakan: 16 Marso 2012 (Triplets) |
Seung-yeon Jeong 5 High Court Judge |
Songdo, Incheon, Timog Korea |
Anak na Lalaki: Min-guk Song Kapanganakan: 16 Marso 2012 (Triplets) | ||||
Anak na Lalaki: Man-se Song Kapanganakan: 16 Marso 2012 (Triplets) [3] | ||||
2015 Ep. 59-kasalukuyan |
Tae-woong Uhm Aktor |
Anak na Babae: Uhm Ji-on Kapanganakan: 18 Hunyo 2013 |
Hye-jin Yoon Ballerina |
Opo, Gyeonggi, Timog Korea |
Panahong Itinagal | Tagapagsalaysay | |||
2015 Episodes 60-kasalukuyan |
Hye-young Jung 6 |
Mga Dating Tauhan
baguhin*Ang mga pamilya at tagapagsalaysay ay nakalista batay sa pagkakasunud-sunod ng paglabas nila sa programa.
Panahong Itinagal | Ama | Mga Anak | Ina / Asawa | Lokasyon |
---|---|---|---|---|
2013 Chuseok Special Pt. 1-3 |
Hyun Woo Lee Mang-aawit / Aktor |
Anak na Lalaki: Dong-ha Lee Kapanganakan: Septyembre 2009 |
Yi Je-ni Museum Curator [4] |
Seoul, Timog Korea |
Anak na Lalaki: Lee Ju-ha Kapanganakan: Abril 2011 | ||||
2014 Episodes 25-31 3 |
Jung-tae Kim Aktor 1 |
Anak na Lalaki: Ji-hoo Kim (Yakkung) Kapanganakan: Pebrero 2011 [5]2 |
Jeon Yeo-jin Propesor / Maestra [6] |
Busan, Timog Korea |
|
Hyun-sung Jang Aktor |
Anak na Lalaki: Jun-woo Jang (Junu) Kapanganakan: 17 Hulyo 2003 |
Hee-jung Yang Maybahay |
Seoul, Timog Korea |
Anak na Lalaki: Jun-seo Jang Kapanganakan: 29 Hulyo 2007 | ||||
2014 Episodes 32-39 |
Kyung-wan Do Anchor ng mga Balita |
Anak na Lalaki: Yeo-nu Do (Kkom-kkomyi) Kapanganakan: 13 Hunyo 2014 |
Yoon-jung Jang Trot Singer |
Seoul, Timog Korea |
2013-2015 Episodes 1-58 |
Tablo Rapper / Manunulat ng Kanta |
Anak na Babae: Haru Lee Kapanganakan: 2 Mayo 2010 |
Hye-jung Kang Aktres |
Seoul, Timog Korea |
Panahong Itinagal | Tagapagsalaysay | |||
2013 Chuseok Special Pt. 1-3 |
Ho-jeong Yoo | |||
2013 - 2014 Episodes 1-27 |
Sira Chae | |||
2014 Episodes 28-37 |
Ae-ra Shin | |||
2014 - 2015 Episodes 38-59 |
Su-gyeong Heo 4 |
Relasyon at Katauhan
baguhin*Mga detalye batay sa programa.
Tauhan | Relasyon | Mga Detalye |
---|---|---|
Junu, Jun-seo | Tunggalian ng magkapatid (Sibling rivalry) |
Iniisip ni Junu na ang kanilang mga magulang ay mas mahal ang kanyang kapatid na si Junseo kaysa sa kanya dahil mas nakatuon daw ang pansin nila dito at dahil siya ang mas nakababata. Kabaligtaran, iniisip din ni Junseo na mas mahal ng kanilang mga magulang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Junu dahil siya'y magaling sa lahat ng bagay. |
Junu, Jun-seo | Magkapatid na takot sa aso (Afraid of dogs brothers) |
Si Junu at Junseo ay parehong takot sa aso. Hindi mahalaga sa kanila kung anong uri ito, at kung ito ay malaki o maliit, cute o panget, nakakatuwa o hindi, hangga't sa ito'y tumatahol ay matatakot sila. Nung ang magkapatid ay nanatili sa bahay ng pamilya Choo, ay natakot sila sa Dachshund ng mga Choo, na ito ay kakagatin sila sa tuwing uungol ito. Noong bumisita naman sila sa bahay ni Jung-tae Kim, si Junseo ay naging isteriko nang ang Pekingese ay dinilaan ang kamay niya at si Junu naman ay takot maglakad sa kanilang salas. |
Junu | Ang pagkahilig sa mga sanggol (Baby lover) |
Sa murang edad, si Junu ay nagpakita ng malambot na puso sa mga sanggol at mga bata, nang si Sarang ay bumisita sa kanilang bahay, siya'y humaling dito, at si Sarang na mahiyain sa mga taong di niya kilala ay nagawang niyang makipaglaro sa kanya. Hindi rin niya makuhang huwag tingnan at hawakan ang palakaibigan na si Seo-jun nang sila'y bumisita sa bahay ni Hwi-jae Lee. Gusto ni Junu ang mga sanggol, kaya sinabi niya sa kanyang ama, na inaasahan niya na ang kanyang magiging asawa sa hinaharap ay gagawa ng maraming pera sa gayon ay maaari siyang maiwan sa bahay nila at alagaan ang kanilang mga anak. |
Hyun-sung | Bagong tagapagluto (First time cook) |
Si Hyun-sung ay hindi naranasan kailanman ang pagluluto bago siya sumali sa programa. Hindi rin niya alam kung ano ang pinagkaiba ng seaweed at cloud ear fungus. Inisip niya na ang cloud ears ay ang ginawa niyang seaweed na sopas para kay Sunghoon at sinabi niya dito na ito'y sopas na gawa sa seaweed. Hindi rin niya alam kung paano magpakulo ng pasta, tinanong rin niya si Sunghoon ng instruksiyon pero hindi niya naintindihan ang konsepto ng pagbato ng pasta sa pader para malaman kung ito'y luto na. Sa episode 27, natuklasan din sa wakas ni Hyunsung kung paano gumawa ng pre-made sauce aisle sa isang supermarket at sa wakas nakaluto rin siya ng pagkain para sa kanyang byenang-lalaki. |
Seo-eon, Seo-jun | Ang matakaw na kapatid (The greedy brother) |
Si Seo-eon ay laging kinukuha ang mga bagay na mayroon si Seo-jun, maaaring ito ay pagkain, laruan, isang simpleng bote ng plastic o isang simpleng fan na gawa sa papel, hangga't ito ay nasa mga kamay ni Seo-jun ay na naisin niyang mapasakanya ito. Si Seo-jun na walang laban sa lakas ng kanyang kambal, sa huli ay susuko, tatakbo palayo at iiyak. Sa episode 33, sa wakas ay nagpakita din si Seo-jun ng mga palatandaan ng paglaban, ng kagatin niya sa binti si Seo-eon pagkatapos nilang pag-agawan ang isang lalagyan na may strap ng salaming pangmata. Sa episode 44, si Seoeon ay nagpakita ng katakawan lampas sa kanyang kapatid, ng awayin nito sina Yuto at ang Song triplets dahil sa mga bagay na pinaglalaruan nila at meron sila. |
Seo-eon, Seo-jun | Ang matalinong kapatid (Intelligent brother) |
Bagama't maaaring ang malakas sa kambal ay si Seo-eon, napatunayan naman ni Seo-jun na siya ang mas matalino sa kanilang dalawa. Sa mas mababang isang taong gulang, si Seo-jun ay nagawang bigkasin ang salitang "YES" ng matatas kahit na napagkamalan ni Hwi-jae na siya'y si Seo-eon. Habang si Seo-eon ay umaangal at umiiyak upang lutasin at makuha ang mga bagay-bagay, si Seo-jun naman ay tahimik na pinagmamasdan ang kanyang kapaligiran kung papaano lutasin ang mga bagay-bagay ng mag-isa, katulad na lang ng pagbukas ng child proof safety lock sa mga kabinet ng kanilang kusina, papaano akyatin ang hagdan ng tree house, hanapin kung saan nakatago ang mga pagkain na pang-meryenda sa isang child learning center at kung papaano buksan ang container ng mag-isa, gayundin ang pag-unawa na ang remote toy car ay kontrolado ng kanilang ama at kung papaano gamitin ang controls na walang tulong na matatanggap. Habang sabay na lumalaki ang kambal, mukhang napapabilis ang progreso ni Seo-jun sapagka't siya'y nakakagawang umintindi at makipag-usap sa mas matanda sa kanya . |
Hwi-jae, Seo-eon | Ang iyakin (The crybaby) |
Kapag si Seo-eon ay malayo sa kanyang ama o may ibang humahawak sa kanya maliban sa kanyang ama ay hindi siya titigil sa pag-iyak. Ang tanging paraan lang para huwag siyang umiyak ay kung kukunin at bubuhatin siya ni Hwi-jae. Kahit na ang kanyang lolo at lola ay hindi niya papayagan na hawakan o buhatin siya. Ang mga tagahanga ng programa na nakasabay o nakasalubong si Hwi-jae ay nabanggit na si Seo-eon ay masyadong malapit sa kanyang ama, na hindi nito magagawa ng mag-isa ang mga bagay-bagay kung wala ang ama nito sa kanyang tabi. |
Seoeon | Ang manlimbang (The flirt) |
Gusto ni Seo-eon ang mga magagandang dilag, hindi mahalaga ang edad. Maaaring maging kapareho sila ng edad ng kanyang ina, mas nakakatanda sa kanya o pareho lang sa edad niya, hangga't ang mga babaeng makikita niya ay cute at maganda, ay bibigyan niya nito ng maraming ngiti at pansin. Kahit na ang kanyang ama na si Hwi-jae ay ilalagay niya sa tabi tuwing makakakita siya ng mga magagandang dilag. Nang ang mga Lee ay bumisita sa bahay ng mga Uhm, si Seo-eon ay walang problema sa paglapit kay Ji-on at walang hinto sa paglalaro kasama niya habang ang kapatid niyang si Seo-jun ay iniiyakan ang kanilang ama at pagkain. Na-ipakita rin niya na takot siyang mag-isa o pumasok kasama ng kanyang ama at kapatid sa isang personal sauna cave, pero pinasok niya ito ng ang isang batang babae ang umalok sa kanya na pumasok doon, na naging sanhi ng pagkahiya ni Hwi-jae. |
Seo-jun | Ang walang takot na sanggol (The fearless baby) |
Binibigyan lagi ni Seo-jun ng ngiti ang kanyang ama tuwing ito'y binabati siya. Hindi rin siya takot pumunta o magpabuhat sa mga kaibigan ng kanyang ama at palaging handa na galugarin ang mga bagong bagay. Nang sila'y bumisita sa bahay ng kanilang lola, siya'y na-intriga sa tuta nito na isang Maltese at tinangkang saklutin ito. Para sa unang pagpapagupit niya ng buhok sa isang propesyonal na barbero, siya'y tahimik at kalmado lang, na naging madali para sa estilista na tapusin ng maayos at maganda ang kanyang buhok. Nang dinala sila ni Hwi-jae sa isang fish market, si Soe-jun ay nagpakita ng walang takot na humawak sa mga isda at magtanong-tanong tungkol dito. |
Seo-jun | Ang kamukha ni Jun-hyun Kim (Jun-hyun Kim look-a-like) |
Mula nang sinabi ni Joon-hyuk Yang kay Hwi-jae na si Seo-jun ay kamukha ng komedyanteng si Jun-hyun Kim, binanggit ni Hwi-jae si Seo-jun sa komedyante. Gagayahin ni Hwi-jae kung papaano bigkasin ni Jun-Hyun ang salitang "really (talaga)" kapag siya'y kumakausap kay Seo-jun. Sa episode 31 ng programa, si Jun-hyun Kim ay inimbitahan sa bahay ng kambal upang magkaroon ng oras na makilala si Seo-jun. Si Jun-hyun ay may ipinakitang isang larawan ng kanyang sarili at larawan ng kasalukuyang Seo-jun, na pinatunayang sila ay magkamukha. |
Seo-eon, Jeong-won Moon | Batang lalaki ng ina (Mamma's boy) |
Si Seo-eon ay sobrang malapit sa kanyang ina. Mahilig niyang sabunutan o hawakan ang buhok ni Jeong-won tuwing bubuhatin siya nito. Bumili si Hwi-jae ng isang pambabaeng wig at inilagay sa kanyang sarili upang malaman kung gagawin rin ito ni Seo-eon sa iba. Pero ang tanaw ng kanyang ama na may mahabang buhok ay ikinagulat ni Seo-eon. Hindi rin gusto ni Seo-eon na makita ang kanyang ina na may kayakap na iba, kahit ang ama nito. Sa oras na may kayakap ang ina niya ay iiyak siya ng malakas. |
Hwi-jae, Seo-eon, Seo-jun | Ang ama na tagahanga ng mga laro (Sports fanatic dad) |
Si Hwi-jae ay isang tagahanga ng mga laro, mahal niya ang lahat ng klase ng laro. Pangarap niya na isa sa kanyang mga anak ay maging isang propesyonal na atleta pagdating nga panahon dahil hindi niya ito nagawa sa kanyang sarili. Siya ay handang mag sakripisyo upang ang kanyang mga anak ay maging isang atleta. Dinadala ni Hwi-jae ang kanyang mga anak sa mga ball games upang masanay sila sa atmospera nito. Nakikiusap rin siya sa kanyang mga kaibigan na propesyonal na atleta na bumisita sa kanilang bahay at makipag-ugnayan sa kanyang mga anak. Umaasa siya'ng ang ilan sa kanilang enerhiya ay papasa sa kanyang mga anak. |
Hwi-jae | Ang eksperto sa pagiging magulang (Child-rearing expert) |
Akala nang lahat na nagbibiro lang si Hwi-jae ng sinabi niyang siya'y eksperto sa pagiging isang magulang. Habang na sa progreso ang palabas, ay naipakita niya na siya talaga ay isang child-rearing expert. Bukod sa pagiging isang masayahing ama na nakikipaglaro sa kanyang mga anak, siya'y nagagawang kumonekta at bumuo ng bond sa mga batang kakakilala pa lang niya. Kapag siya'y makikipagkita sa kanyang mga kaibigan na may mga anak ay kailanman hindi umaalis na walang dalang regalo para sa kanila. Pagkatapos manatili ni Haru sa bahay nila, sila'y naging magkaibigan. At nung nagkita silang muli sa Jeju Island ay nagpakita si Haru ng pag-alala sa kanya habang siya'y abala sa pag-kain. At nung bumisita naman siya sa bahay ng mga Song, nagustuhan siya kaagad ng mga triplets, na nagmakaawa si Minguk na huwag siyang umalis na sinamahan din ng mga kapatid niya na humiling na huwag siya umalis. Nang binisitahan niya ang mga Uhm kasama ng kanyang kambal, si Ji-on ay agad na komunekta kay Hwi-jae dahil sa kakayahang magpatawa. Nang nakita niya kung gaano kasaya sina Hwi-Jae at ang kambal sa kanilang tahanan, siya'y sumali sa kasiyahan na parang sila'y matagal na magkaibigan. |
Junu, Jun-seo, Sarang | Ang love triangle (The love triangle) |
Si Junu at Jun-seo ay parehong na sa isang kompitensya para sa atensyon ng cute na si Sarang. Dahil sa mas malapit si Sarang kay Junu, si Junseo ay nagbihis ng Peter Pan costume upang makuha ang pansin ni Sarang. Si Sarang ay may gawing sumandal kay Junu dahil mabait at mabuti ito sa mga nakababatang bata, ngunit nakasandal din siya kay Jun-seo kapag siya ay nakikipaglaro ng mabuti sa kanya. |
Junu, Haru | Ang crush (The crush) |
Crush ni Haru si Junu, ang kanyang bansag dito ay "Ang matangkad na kuya". Sa tuwing si Junu ay nasa parehong kuwarto sa kanya, siya'y maninimbang dito at tatawagin niya palagi ng "Junu-oppa" upang makuha ang buong pansin nito. Paminsan-minsan bibigyan niya ito ng mga sorpresang yakap. Ang gusto niya sa kanya ay ang pagiging-maalaga, mabait at matalino. |
Sarang | Ang matakaw kumain (The big eater) |
Paborito ni Sarang ang mga pagkain, lalo na ang mga ubas, blueberries, strawberries, sagging, roasted seaweed sheets, yogurt, mais at mga cake. Ntutuwa siya tuwing may mag-aalok sa kanya ng mga ubas. Kapag magugutom siya, gigising at iiyak siya sa gitna ng gabi. Hindi rin niya gusto ibahagi sa iba ang kanyang pagkain. Sa katunayan siya ay naging nominado sa isang espesyal na gantimpala ng KBS na tinawag na "Big Eaters Award". Siya'y palaging handa sa mga hamon ng paramahian ng pag-kain. Ang tanging tao na nakatalo sa kanya ay si Min-guk. |
Sarang | Ang tagahanga ni Minnie Mouse (Minnie Mouse fan) |
Ang paboritong karakter ni Sarang ay si Minnie Mouse. Lagi siyang kumakain na ang gamit ang kanyang Minnie utensils at lagi rin niyang dala ang kanyang Minnie doll tuwing aalis siya ng kanilang bahay. Kahit na ang mga gamot na masama ang lasa ay iinumin niya ng walang reklamo basta ito'y nasa isang Minnie Mouse na baso. Siya ay masayang-masaya ng ang regalo ng mga Jang sa kanya ay isang plush at t-shirt na Minnie Mouse. Tinuturuan rin niya ang kanyang ama kung ano ang pinagkaiba ni Minnie at Mickey. |
Sung-hoon, Sarang | Ang mapagbigay na ama (The indulging dad) |
Si Sung-hoon ay hindi makakatanggi sa kayang cute na anak. Kapag gusto ni Sarang ng pagkain o laruan, hindi niya aalintanahin ang gastos o abala nito at ibibigay sa kanya sa kahit na anong paraan. Minsan, sinama niya si Sarang sa isang tindahan na puno ng kanyang paboritong karakter para mapasaya lang ito at gagastos ng malaki sa isang claw machine para makuha lang ang isang Anpanman na laruan na gustong-gusto ng kanyang anak. |
Sarang, Yuto | Batang pag-ibig (Toddler love) |
Si Sarang ay may kasintahan na ang pangalan ay Yuto na kaklase niya sa isang daycare center. Ang dalawang ay nasa isang relasyon na pabagu-bago ang isip. Parehong silang nag-aaway dahil sa laruan, pagkain at paglalaro sa ibang mga bata ngunit palagi rin magbabati sa huli na may kasamang isang halik. |
Haru | Ang mahilig sa mga isda (Fish lover) |
Mahal ni Haru ang mga isda at lahat ng bagay na may kinalaman sa isda. Mayroon siyang playroom na puno ng mga laruan at ang tema ay isda. Alam rin niya kung paano gumawa ng tunog ng isang dolphin. Ang paborito niyang lugar na pwedeng bisitahan ay ang aquarium o kahit na anong lugar na pwede kang makakita at mamingwit ng isda. |
Haru | Ang mabait na bata (The kind girl) |
Si Haru ay maalalahanin. Sa tuwing may mga bata sa kanyang paligid, siya ay laging handang ibahagi ang kanyang mga laruan o mga paboritong pagkain. At lagi siyang handang tumulong sa mga matanda na nangangailangan ng tulong niya. Nang nakita niya si Hwi-jae na hindi kumakain dahil abala sa pagpapakain ng kambal nito ay binigyan niya ito ng isang baso ng tubig. |
Tablo, Haru | Ama ng anak na babae (Daughter's Daddy) |
Si Tablo ay laging ginagawa ang kanyang makakaya para makuha niya ang atensyon at pagmamahal ng kanyang anak na si Haru na kumita dahil pinahahalagahan lamang nito ay ang mga isda at ang kanyang ina, na si Hye-jung. Kung minsan, sinasama niya si Haru sa kanyang recording studio at mag-rap kasama siya. |
Hye-jung, Haru | Ang chic na mag-ina (Chic mother and daughter) |
Sobra pa sa isda, si Haru ay mahal na mahal ang kanyang ina. Sinabi ni Tablo sa isang panayam na kapag si Hye-jung at Haru ay magkasama, sila ay na sa kanilang sariling mundo at lubusan siyang hindi pinapansin. |
Haru, G-Dragon | Ang pinakamalaking crush (The huge crush) |
Si Haru ay may malaking crush sa leader ng Big Bang na si G-Dragon. Nakikita ni Haru sa kanya ang kanyang ideal man. Kapag nasa paligid ito, nagiging tahimik at mahiyain si Haru, pero natutuwa din siya kapag nakikita niya o naririnig ang kanyang pangalan. |
Tablo, Hye-jung | Ang nilatigong asawa (The whipped husband) |
Si Tablo ay masigasig makinig at gawin ang lahat ng mga bagay na pinagagawa ng kanyang asawa na sa kanya. Si Hye-jung ang namamahala ng mga gastusin sa kanilang pamilya. Kailangan pa ni Tablo humigngi ng pera sa kanya, kahit na pang-ice-cream lang. Pero inamin ni Hye-jung na mahal niya ang kanyang asawa na si Tablo at hinabol niya ito sa simula ng kanilang pagkaka-ibigan. |
Sung-hoon, Shiho | Ang mag-asawang nais ng ika-2 anak (Wants a 2nd child couple) |
Si Shiho ay nagseselos minsan sa kanyang asawa dahil sa malapit na relasyon nito sa kanilang anak na si Sarang. Gusto ni Shiho na magkaroon sila ng ikalawang anak at sana ito ay lalaki, para magkaroon din siya ng ganoong uri ng relasyon katulad ng kay Sung-hoon at Sarang. |
Yakkung | Ang masayahing bata (The happy child) |
Si Yakkung ay isang masayahing bata na mahal ang pagsayaw at mahilig kumanta ng mga alphabet songs. Ang paboritong niyang pagkain ay kahit anong pagkain na pinirito. Pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang dumi, hindi rin niya kayang makita ang sarili ng may mga dumi. |
Yakkung | Ang henyo sa Ingles (The English Genius) |
Alam ni Yakkung ang kanyang ABC's, 123's at mga iba't-ibang uri ng mga hayop sa Ingles. Alam rin niya kung paano magsulat ng English Alphabet. |
Jung-tae, Yakkung | Ang magnanakaw ng mga pagkain (Meal stealer) |
Si Jung-tae ay laging naghahanap ng pagkakataon na makakagat sa pagkain ni Yakkung. Si Yakkung na ayaw mag-alok sa kanyang ama ng isang kagat sa kanyang pagkain, sa halip ay i-aalok ang kanyang pisngi. Si Jung-tae na handang kunin ito ay hahalikan niya ng walang hinto ang kanyang pisngi ng kanyang anak. |
Man-se | Ang tagahanga ng mga sasakyan (The car fanatic) |
Kinahuhumalingan ni Manse ang mga sasakyan. Hindi mahalaga kung ito ay isang laruan, totoong sasakyan o kahit na ang pang-batang upuan sa isang hair salon na hugis sasakyan, basta ito ay may manebela gugustuhin niyang umupo sa likod at kontrolin ito. Nang si Il-gook at ang triplets ay may nakasalubong na pamilya na nakasakay sa isang laruang sasakyan, hiniling ito ni Il-gook na kung pwede nila itong sakyan sandali, na pumuyag naman ang pamilya. Habang ang kanyang mga kapatid ay tahimik na nakasakay sa likod ng sasakyan bilang mga pasahero, si Manse naman ay kinuha ang pag-kontrol ng manibela at hindi niya papayagan na ang kanyang ama ang mag-kontrol nito. Nang oras na para ibalik ito sa may-ari, si Manse ay ayaw pumayag na ibalik ito at nag-alboroto. |
Il-gook, Dae-han | Ang maasahang anak (Dependable son) |
Kahit na siya'y ipinanganak sa parehong araw kasama ng kanyang mga kapatid, si Daehan ang maaasahang anak ni Il-gook na magbantay sa kanyang mga kapatid kapag hindi niya kaya. Sa tuwing hahabulin ni Il-gook si Minguk o Manse, si Daehan ay laging binibigyan ng responsibilidad na hanapin, bantayan o hawakan ang kamay ng kanyang kapatid habang hinahanap niya ang isa sa kanila. Minsan, binubuhat ni Daehan ang backpack ni Il-gook tuwing palagay niya na kailang ito ng kanyang ama. |
Min-guk | Ang prinsipe ng mga Cute (Aegyo prince) |
Hindi katulad ng dalawa niyang kapatid na si Daehan at Manse na magaslaw, si Minguk ay nakikipag-ugnayan sa iba sa pamamagitan ng pagpapakita niya ng kanyang ka-cute-tan. Kapag tapos na ang oras ng paglalaro at kukunin na sila ni Il-gook, imbes na mag rebelde ito, gagamitin niya ang pagpapa-cute para payagan siya na pahabaan ng konti ang paglalaro. Kapag mas maaga siyang gumising kaysa sa kanyang ama at mga kapatid, ay magalang niyang binabati ng maraming kindat at kaway ang mga potograpo na nagtatrabaho sa loob ng mga tents at pagkatapos ay aalis siya para maglaro ng mag-isa na hindi ginigising ang kanyang pamilya. Mahilig si Minguk kumanta at sumayaw. Dahil sa maliit na bagay, madalas silang mag-away ng kanyang kapatid na si Manse, pero agad ding makikipagbati sa pamamagitan ng pagyakap at paghalik dito. |
Il-gook, Dae-han, Min-guk, Man-se | Ang mga bagong matakaw kumain (The new big eaters) |
Ipinakita ng Song triplets ang kanilang malaking kaganahan sa pagkain ng sila at ang kanilang ama ay inubos ang 8 orders ng dumplings na may kasamang 10 piraso sa bawat serving tuwing isang upo sa isang Mandu Restaurant. Ang pag-kain ang paborito nilang libangan, na ang kinaugaliang maingay na triplets ay tahimik tuwing kumakain. Sinabi rin ni Il-gook na nagpapasalamat siya na ang kanyang mga anak ay naka-libreng kumain ng sila ay kumain ng buffet sa isang restaurant. At ng strawberry eating challenge, natalo ni Minguk si Sarang sa paramihan ng pagkain ng strawberries. |
Sarang, Dae-han, Min-guk, Man-se | Ang tagahanga ng Triplets (Triplet fanatic) |
Hindi tulad ng una nilang pagkikita noong nagte-taping sila ng 1 year episode special ng programa, dahil si Sarang ay sobrang abala sa paglalaro niya kasama ng kanyang kaibigan na si Yuto. Pero pagkatapos nun, ipinaalam niya sa kanyang mga magulang na gusto niya ang triplets, lalo na si Minguk. Mas gusto niya sila kaysa sa kanyang ama, lolo, sa matalik niyang kaibigan na si Yuto, at kahit na sa paborito niyang Pororo, Mickey at Minnie Mouse, kaya inimbita ni Sung-hoon ang mga Song na bumisita at manatili sa kanilang bahay sa Japan. Pero nung nakita ulit ni Sarang ang triplets, ang naging bagong paborito niya ay si Manse ng paulanan siya nito ng atensyon at halik. Ang pagkaka-ibigan nila ay nagpatuloy ng bumisita naman si Sarang sa bahay ng mga Song sa Timog Korea at muli ay ipinakita ni Manse ang kanyang adorasyon para sa kanya. |
Sarang, Man-se | Malayo na namumukong pagkakaibigan (Budding long distance friendship) |
Mula nang bumisita ang triplets sa bahay ng mga Choo sa Japan, sina Man-se at Sarang ay naging matalik na magkaibigan, na naging sanhi para bigyan niya ang kanyang kinaugaliang matalik na kaibigan na si Yuto ng mahigpit na ka kompetensya. Habang bumibisita sila sa Japan, si Man-se ay hindi mo mahihiwalay kay Sarang at pipilitin niyang hawakan ang kanyang kamay at umupo sa tabi nito. Nang ang mga Choo naman ang bumisita sa bahay ng mga Song sa Timog Korea, nagpakita si Man-se ng parehong pagkagiliw para kay Sarang nung sila'y na sa Japan at labis na pag-aalaga ng tulungan niyang si Sarang na buhatin ang slide ng ang pamilya nila ay nag snow sliding. Sa pagkagulat ni Il-gook, hindi niya akalain na ang kinaugaliang pilyo, malikot at malayang mamuhay na Man-se ay isang ma-ginoo. |
Mga Episodes
baguhinKontrobersiya
baguhin- Noong 5 Hunyo 2014, ang mga netizens sa forum site ng Daum Agora ay nagsimula ng petisyon na tanggalin si Jung-tae Kim at ang kanyang anak na si Yakkung sa programa dahil siya at ng kanyang anak ay dumalo sa election campaign para kay Dong-yeon Na na kandidato sa pagiging mayor ng Gyung-Nam, Yangsan. Si Dong-yeon ay humingi ng paumanhin kay Jung-tae at sa kanyang anak dahil sa kontrobersiya at i-sinigurado niya sa mga tao na ang aktor at ang kanyang anak ay wala doon upang i-kampanya siya.[7] Noong Hunyo 10, isang kinatawan ni Jung-tae Kim ang kumimpirma na siya at ng kanyang anak na si Yakkung ay nagpasyang umalis sa programa dahil din dito.[8]
- Noong Hunyo 2014, isang artikulo na tininigan ang mga reklamo ng netizens, na di umano daw ang programa ay masyadong nagpo-promote ng mga YG Entertainment artists. Dahil sa maraming bisita na taga-YG tuwing bahagi nina Tablo at Jang Hyun-sung, na kapwa ay nasa ilalim ng pamamahala ni YG Entertainment.[9][10]
- Ang mga nanood ay tininigan ang kanilang mga reklamo na napapadalas daw ang paglabas ng mga ina sa programa. Ang mga reklamo ay nai-target sa pamilya ni Tablo, ng dahil sa kanyang asawa na si Hye-jung, na naroon sa buong parte ng kanilang bahagi mula sa episode 52 hanggang episode 53.[11]
- Ang mga nanood ay tininigan ang kanilang mga reklamo tungkol sa pag-edit ng isang eksena sa episode 53 kung saan sina Daehan at Manse ng Song triplets ay nag-aaway ng dahil sa isang laruan. Ang mga nanood ay inireklamo ang titulo at pag-edit, na hindi daw ipinakita ang tunay na katotohanan sa nangyari.[12]
Bersyon Pang-internasyonal
baguhinNoong Abril 2014, China's Zhejiang Television (ZJTV) ay nagsimulang ipinalabas ang Chinese bersyon ng "The Return of Superman" na tinawag na "Dad is Back", na pinangungunahan ng dating myembro ng Taiwanese boy band "Fahrenheit" na si Wu Chun, isang prodyuser ng mga pelikula na si Zhong Lei Wang, ang aktor na si Jia Nailiang, at ang dating gymnast na si Li Xiapeng.[13] Ang programa ay isang collaboration kasama ng mga prodyusers ng Korean KBS bersyon at sa parehong konsepto ng orihinal na bersyon na ang pinagkaiba ay walang tagapagsalaysay. Ang pamagat ng programa ng Chinese bersyon ay pinalitan ng pangalan upang i-clear up ang tsismis ng pamamlahiyo.[14]
Mga Sponsors
baguhinAng LG ang pangunahing sponsor ng programa. Ang mga pamilya ng "Superman" ay naipakita ang paggamit ng LG's S Homeboy tablet na ginawa ng Samsung sa bawat episode. Maliban sa S Homeboy tablet, ang mga pamilya sa programa ay ipinapakita o ginagamit ang mga produkto ng kanilang ini-endorso.[15]
Tala: Ito ay ang mga produkto na naipakita sa programa. Hindi kompletong lista ng bawat myembro ng mga tauhan na nag i-endorso.
- Hwi-jae Lee
- Sung-hoon Choo
- Tablo
- Il-gook Song
- Samsung Electronic
Mga Gantimpala
baguhinTaon | Gantimpala | Kategorya | Kandidato | Resulta | Sanggunian |
---|---|---|---|---|---|
2013 | 12th KBS Entertainment Awards | Variety Show Top Entertainer Award | Sung-hoon Choo | Nanalo | [23][24][25] |
Variety Division Male Newcomer Award | Hyun-sung Jang | Nominado | |||
Producer’s Special Award | Hwi-jae Lee | Nanalo | |||
Variety Division Male Excellence Award & Male Top Excellence Award |
Sung-hoon Choo | Nominado | |||
Tablo | Nominado | ||||
Mobile TV Popularity Award | Ang mga bata sa The Return of Superman | Nanalo | |||
Viewer's Choice Program of the Year Award | Happy Sunday's 2 Days & 1 Night at The Return of Superman |
Nominado | |||
Best Eater Award | Sarang Choo | Nominado | |||
2014 | 50th Baeksang Arts Awards | Variety Program | The Return of Superman | Nominado | |
13th KBS Entertainment Awards | Viewer's Choice Program of the Year Award | Happy Sunday's The Return of Superman | Nanalo | [26][27][28] | |
Variety Division Male Top Excellence Award | Sung-hoon Choo | Nanalo | |||
Producer’s Special Award | Hwi-jae Lee | Nanalo | |||
Il-gook Song | Nanalo | ||||
Mobile TV Popularity Award | Ang mga bata sa The Return of Superman | Nanalo |
Mga Tala
baguhin
- ^Note 1 : Unang ipinakita sa episode 20 at 21. Naging opisyal na tauhan simula ng episode 25.
- ^Note 2 : Ang bunsong anak na lalaki ni Jung-tae Kim na si Si-hyun Kim, na 2 buwan taon gulang pa lamang nung ginagawa ang film ay hindi kasama sa programa.
- ^Note 3 : Tingnan ang bahagi ng "Kontrobersiya".
- ^Note 4 : Si Su-gyeong Heo na naging panauhin kasama ng kanyang anak na babae na si Byeol sa episode 24 na parti ng bahagi ni Hwi-jae Lee.
- ^Note 5 : Ang asawa ni Il-gook Song na si Seung-yeon Jeong ay malabo ang muka tuwing ipinapakita siya sa programa para sa proteksiyon ng kanyang katauhan sa dahilang siya ay isang High Court Judge. Hindi rin siya kasali sa mga panayam katulad ng ibang mga asawa.
- ^Note 6 :Ang asawa ni Hye-young Jung na si Sean na mula sa Jinusean na naipakita na dati sa maraming episodes ng programa sa panahon ng parti ng dating tauhan na si Tablo at ng anak niyang si Haru. Siya at ng kanyang 4 na anak, kasama na ang kanyang asawa ay lumabas sa episode 52 ng programa sa panahon ng bahagi ni Il-gook Song.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The Return of Superman Confronts Dad Where Are We Going. Retrieved 2014-06-25. (sa Ingles)
- ↑ SHIHO, Akiyama Yoshihiro celebrate first child. Retrieved 2014-06.08. (sa Ingles)
- ↑ Actor Song Il Kook becomes the father of triplets. Retrieved 2014-06-25. (sa Ingles)
- ↑ Lee Hyun-woo talks about his marriage. Retrieved 2014-05-06. (sa Ingles)
- ↑ Kim Jung-tae "Strange indeed my baby". Retrieved 2014-06-08. (sa Koreano)
- ↑ The Return of Superman Cast Information[patay na link]. Retrieved 2014-05-05. (sa Ingles)
- ↑ Kim Jung-Tae dropping out in the middle of ‘Superman’, even made signature campaign Naka-arkibo 2014-07-14 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-06-09. (sa Ingles)
- ↑ Kim Jung Tae and his son Jihoo ('Yakkung') to leave 'Superman is Back'. Retrieved 2014-10-06. (sa Ingles)
- ↑ Superman criticized for too much YG. Retrieved 2014-07-01. (sa Ingles)
- ↑ '슈퍼맨이 돌아왔다', YG엔터테인먼트 홍보 방송인가요?. Retrieved 2014-07-01. (sa Koreano)
- ↑ Producers of "Superman Returns" Address Criticism about Mothers’ Frequent Appearance Naka-arkibo 2017-11-11 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-12-29. (sa Ingles)
- ↑ "Superman Returns" Sparks Controversy with Questionable Editing Naka-arkibo 2017-07-31 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-12-29. (sa Ingles)
- ↑ Full episodes of "Dad is Back". Retrieved 2014-05-20 (sa Ingles).
- ↑ Chinese edition of 'Superman is Back' titled 'Dad is Back' clears up plagiarism rumors. Retrieved 2014-05-05. (sa Ingles)
- ↑ LG S Homeboy tablet. Retrieved 2014-05-31.
- ↑ Fedora website. Retrieved 2014-06-09. (sa Ingles)
- ↑ Manduca website Naka-arkibo 2014-07-01 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-06-09. (sa Ingles)
- ↑ Jimy's Charmer FB page. Retrieved 2014-06-09.(sa Ingles)
- ↑ Choo Sarang follows in her mother's footsteps as new model for children's clothing brand 'allo&lugh'. Retrieved 2014-06-09. (sa Ingles)
- ↑ Chu Sung Hoon and Lovely Daughter Chu Sarang Dress Up Sporty for Cosmopolitan Naka-arkibo 2016-05-04 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-06-09. (sa Ingles)
- ↑ Black Yak website Naka-arkibo 2014-06-04 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-06-09. (sa Ingles)
- ↑ Moldir website. Retrieved 2014-07-02. (sa Ingles)
- ↑ The '2013 KBS Entertainment Awards' kicked off the year-end award ceremonies with Shin Dong Yup, KARA's Hara, and Seo In Guk as your hosts at the KBS New Wing Open Hall in Yeouido, Seoul on the 21st! Retrieved 2013-12-21. (sa Ingles)
- ↑ 2013 KBS Entertainment Awards, 2013 KBS 연예대상 - Part 1. KBS World TV. Retrieved 2014-01-16. (sa Koreano) at (sa Ingles)
- ↑ 2013 KBS Entertainment Awards, 2013 KBS 연예대상 - Part 2. KBS World TV. Retrieved 2014-01-16. (sa Koreano) at (sa Ingles)
- ↑ Winners of The 2014 KBS Entertainment Awards Naka-arkibo 2015-02-18 sa Wayback Machine.. Retrieved 2014-12-27. (sa Ingles)
- ↑ 2014 KBS Entertainment Awards, 2014 KBS 연예대상 - Part 1. KBS World TV. Retrieved 2015-01-13. (sa Koreano) at (sa Ingles)
- ↑ 2014 KBS Entertainment Awards, 2014 KBS 연예대상 - Part 2. KBS World TV. Retrieved 2015-01-13. (sa Koreano) at (sa Ingles)
Mga Panlabas na Kawing
baguhin- Opisyal na Websayt ng Happy Sunday (sa Koreano)