Si Thelma Marjorie Scott ay ipinanganak noong 17 ng Hunyo 1913 at pumanaw noong 23 ng Nobyembre 2006. [1] Sya ay isang Australyanang aktres. Ang anim na dekada na karera sa teatro, radyo, pelikula at bilang Australyana ay naging paraan upang sya ay makilala at maging pinakamamahal na personalidad ng kanyang bansa. Sa pagsisimula ng kanyang karera noong unang bahagi ng 1930s sa mga produksyon ng teatro at pelikula, naging isa siya sa mga pinakamalaking performer sa radyo sa bansa, noong 1940s sya ay natampok sa mga produksyon tulad ng Big Sister at Blue Hills. Bumalik siya upang gumawa ng mga pelikula sa telebisyon noong huling bahagi ng 1950s at pagkatapos ay naging isang bituin sa telebisyon pagkatapos itong ilunsad sa Australia. Nakilala siya sa mga tungkulin sa mga telenobela kasama ang Number 96 bilang Claire Houghton at Mrs. Jennings sa Richmond Hill.

Thelma Scott
Talaksan:Thelma Scott, sa State Library ng New South Wales noong 1947.jpg
Si Thelma Scott, sa the State Library ng New South Wales noong 1947.
Kapanganakan
Thelma Marjorie Scott

17 Hunyo 1913(1913-06-17)
Kamatayan23 Nobyembre 2006(2006-11-23) (edad 93)
Ibang pangalanThelly
TrabahoAktres
Aktibong taonNoong 1931 hanggang 1988
Kilala saNumber 96
KinakasamaGwen Plumb

Teatro

baguhin

Sinimulan ni Thelma Scott ang kanyang karera sa teatro noong 1931 sa edad na 18, sumali sya sa Gregan McMahon Players ng Gregan McMahon. Ang kanyang unang propesyonal na tungkulin sa pag-arte ay bilang si Ilona Szabo sa 1931 sa produksyon ng McMahon na may pamagat na The Play's the Thing sa Melbourne's Comedy Theatre. Sinundan niya ito ng mga tungkulin sa mga produksyon ng Six Characters in Search of an Author, Too Good to Be True at Wind in the Rain. Noong 1932 lumabas siya kasama si Coral Browne sa komedya na Take Two from One. Noong 1933 muli silang gumanap nang magkasama, sa pagkakataong ito sa Children in Uniform for Efftee Players.

  1. Giles, Nigel NUMBER 96 published by Melbourne Books