Therapsida
Ang Therapsida ay isang pangkat ng pinaka-maunlad na mga synapsida at kinabibilangan ng mga ninuno ng mga mamalya.[1] Ang maraming mga katangian na nakikita ngayong walang katulad sa mga mamalya ay may pinagmulan sa loob ng mga sinaunang therapsida kabilang ang posturang nakatayo at laktasyon. Ang pinakaunang fossil na itinuturo sa therapsida ang Tetraceratops insignis na natagpuan sa strata ng Panahong Mababang Permian.[2][3] Ang mga therapsida ay nag-ebolb mula sa mga pelycosauro na spepisipiko mula sa mga Sphenacodontia 275 milyong taon ang nakalilipas. Pinalitan ng mga ito ang mga pelycousauro bilang mga nananaig na mga malalaking hayop na panglupain sa panahong Gitnang Permian. Ang mga ito ay nanatili na nananaig na fauna hanggang sa mapalitan ng mga arkosauro at rhynchosaur sa panahong Gitnang Triassic bagaman ang ilang mga therapsida halimbawa ng mga kannemeyeriiform ay nanatiling diberso sa Huling Triassic. Ang mga therapsida ay kinabibilangan ng mga cynodont na nagpalitaw sa mga mamalya sa Huling Triassic mga 225 milyong taon ang nakalilipas. Sa mga hindi hindi-mamalyang therapsida, ang tanging mga cynodont at dicynodont ang nakaligtas sa pangyayaring ekstinksiyong Triassic-Hurasiko. Ang huli ng mga hindi-mamalyang therapsidad na mga cynodont tritylodontid ay naging ekstinkt sa Simulang Kretaseyoso mga 100 milyong taon ang nakalilipas.
Mga therapsida | |
---|---|
Mounted skeleton of Inostrancevia alexandri, a gorgonopsian therapsid | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Sphenacodontoidea |
Orden: | Therapsida Broom, 1905 |
Clades | |
|
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Romer, A.S. (1933). Vertebrate Paleontology. University of Chicago Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), 3rd ed., 1966. - ↑ M.Laurin & R.R. Reisz. 1996. The osteology and relationships of Tetraceratops insignis, the oldest known therapsid. Journal of Vertebrate Paleontology 16(1): 95-102.
- ↑ J. Liu, B. Rubidge & J. Li, New basal synapsid supports Laurasian origin for therapsids, 2009, Acta Palaeontol. Pol., 54 (3): 393-400