Ikatlong Mundo

Konseptong heo-politikal
(Idinirekta mula sa Third World)

Ang katagang Ikatlong Mundo (Ingles: Third World) ay lumitaw noong panahon ng Digmaang Malamig upang ilarawan ang mga bansang nanatiling hindi nakaanib sa kapitalismo at sa NATO (na sa piling ng mga kaanib ng NATO ay kumakatawan sa Unang Mundo), o komunismo at sa Unyong Sobyet (na sa piling ng kaanib ng Unyong Sobyet ay kumakatawan sa Ikalawang Mundo). Ang kahulugan ay nagbigay ng isang paraan ng malawak na pag-uuri ng mga bansa ng mundo sa tatlong mga pangkat batay sa mga kahatiang panlipunan, pampolitika, at pang-ekonomiya.

Ang katagang Ikatlong Mundo ay nagmula sa panahon ng Digmaang Malamig.
  Ikatlong Mundo

Dahil sa katotohanan na maraming mga hindi maunlad na mga bansa ang nasa Ikatlong Mundo, ang isang pangkaraniwang estereotipo o klitse ang lumitaw na nagpangalan ng kawalan ng kaunlaran sa anuman bilang "ikatlong mundo" sa paraang mapanira.[1][2]

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.