Thomas Edison
Si Thomas Edison (Pebrero 11, 1847 – Oktubre 18, 1931) ay isang Amerikanong imbentor at negosyante na nagbuo ng maraming mga aparato na labis na nakaimpluwensiya sa buhay noong ika-20 siglo. Tinaguriang "The Wizard of Menlo Park" (Ang Salamangkero sa Liwasan ng Menlo) ng isang taga-ulat sa pahayagan, isa siya sa mga unang imbentor na naglapat ng mga prinsipyo ng malawakang produksiyon sa proseso ng imbensiyon, at kung gayon maaaring papurihan sa paglikha ng unang industriyal na laboratoryong pampananaliksik. Hindi orihinal sa kabuuan ang ilan sa mga inimbento niya, bagkus ay mga pagbabago sa mga naunang patente (ang pinakasikat dito ay ang bombilya), o mga gawa ng mga empleyado niya. Gayunpaman, itinuturing si Edison bilang ang pinakamabungang imbentor sa kasaysayan, na humawak ng 1,097 mga patente sa Estados Unidos na nasa kaniyang pangalan, gayon din ang mga patente sa United Kingdom, Pransiya, at Alemanya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Agham at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.