Thomas Gainsborough
Si Thomas Gainsborough (bininyagan Mayo 14 , 1727 – Agosto 2, 1788) ay isa sa mga pinakakilalang mga tagapinta at tagaguhit ng mga larawan ng tao at tanawin noong ika-18 dantaon sa Britanya.
Thomas Gainsborough | |
---|---|
Nasyonalidad | Ingles |
Kilala sa | Pintor |
Kilalang gawa | G. at Gng. Andrews Ang Asul na Bata |
Talambuhay
baguhinSa gulang na 14, nilisan ni Gainsborough ang Sudbury, Suffolk para mag-aral ng sining sa London. Nagbalik siya sa Sudbury noong 1746 kung saan napangasawa niya si Margaret Burr. Noong 1760, lumipat siya sa bayan ng Bath, kung saan sumikat siya bilang dibuhista ng mga larawan at mukha ng mga tao. Kumalat ang kaniyang pagsikat hanggang London. Tuluyang namalagi siya sa London noong 1774. Binawian siya ng buhay noong 1788.[1]
Larangan
baguhinHindi siya sumang-ayon sa Ingles na kritiko at artista rin ng sining na si Ginoong Joshua Reynolds, na sumulat na hindi magagamit ng matagumpay ang asul sa pagpipinta maliban na lamang bilang isang maliit na bahagi ng isang larawan. Nagresulta ang pagtanggi ni Gainsborough sa ganitong paniniwala sa pagkakalikha niya ng dibuhong Ang Asul na Bata o Ang Batang Asul (The Blue Boy [sa Ingles]), naging isa sa mga pinakahinahangaang mga larawan sa mundo.[1]
Ipininta ni Gainsbourough si Haring George III nang walong ulit.[1]
Parangal at pagkilala
baguhinNoong 1768, naging isa sa mga kasapi ng Akamenyang Royal si Gainsborough, isang samahang nagtatanghal para sa mga alagad ng sining.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Thomas Gainsborough". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)