Thomas L. Thompson

Si Thomas L. Thompson (ipinanganak noong Enero 7, 1939 sa Detroit, Michigan) ay isang Amerikano-Danish na iskolar ng Bibliya at teologo. Siya ay nagsilbing propesor teolohiya sa Universidad ng Copenhagen mula 1993 hanggang 2009. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Denmark. Si Thompson ay bahagi ng eskwelang kilusang minimimalismong pambibliya na kilala bilang the Copenhagen School na isang pangkat ng mga iskolar na nagtataguyod na ang Bibliya ay hindi dapat maging sanggunian upang tukuyin ang kasaysayan ng Sinaunang Israel. Naniniwala rin silang ang "Israel" ay isang konseptong problematiko.[1]

Tagapagsulong ng Teoriyang mito ni Hesus

baguhin

Sa kanyang 2005 librong The Messiah Myth: The Near Eastern Roots of Jesus and David, kanyang isinaad na ang mga salaysay sa Bibliya nina David at Solomon at Hesus ay mitikal (hindi totoo) na batay sa mga panitikan ng Mesopotamia, Sinaunang Ehipto, Babilonya, Sinaunang Gresya at Sinaunang Roma. Kabilang sa kanyang isinusulong ay ang konsepto ng muling pagkabuhay ni Hesus ay tuwirang kinopya mula sa mga kwento ng Diyos na si Dionysus na kanyang inilarawan ay isang halimbawa ng Diyos na namatay at nabuhay.

Mga Aklat

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maurice Casey Jesus: Evidence and Argument or Mythicist Myths? T&T Clark 2014 THOMAS L. THOMPSON p.24