Trasyano
Ang sinaunang mga Trasyo o mga Trasyano (Ingles: mga Thracian; Griyego: Θράκες; Kastila: mga Tracio) ay isang pangkat ng mga tribong Indo-Europeo na nagsasalita ng wikang Trasyano - isang sanga ng mag-anak ng mga wikang Indo-Europeo. Nanirahan ang mga taong ito sa Silanganin[1], Gitna, at Katimugang bahagi ng tangway ng Balkan[1], pati na ang katabing mga bahagi ng Gitnang Silangang Europea.[2] Sa kasalukuyan, binubuo ng sinaunang Trasya ang mga kabahagi ng Gresya, Turkiya, at Bulgarya.[1]
Kasaysayan
baguhinNatagpuan sa Iliada ang unang pangkasaysayang pagtatala tungkol sa mga Trasyano, kung saan nilarawan sila bilang mga taong nagmula sa Trasya at mga kakampi ng mga Troyano sa Digmaang Troyano laban sa mga Griyego. Unang natala sa kasaysayan ang mga Trasyano noong mahigit na 3,500 mga taon na ang nakararaan.[1]
Nagbuhat ang etnonimong Trasyano sa sinaunang Griyegong Θρᾷξ (Θρᾷκες kapag maramihan) o Θρᾴκιος (Ioniko: Θρηίκιος), samantalang nagmula naman ang toponimong Trasya sa Θρᾴκη (Ioniko: Θρῄκη).[3]
Noong dekada ng 300 BK, malawakang nasa ilalim ng mga Griyego ang lupain ng Trasya. Nagtayo ng maraming mga lungsod sa may dalampasigan ng Trasya ang mga Griyego. Sa isang panahon noong dekada ng 500 BK, nasakop ito ng Persa. Isang lungsod na Trasyano ang Byzantium, na kilala sa kasalukuyan bilang Istanbul.[1]
Kapangalanan
baguhinAyon sa lingguwistang Rumanyano at Trakologong si Sorin Mihai Olteanu, lumilitaw na magkapareho ang etimolohiya ng etnonimong Thraikios (Griyego: Θρᾴκιος) na para sa Trasya at Trasyano at ang Graikos (Griyego: Γραικός).[4][5][6]
Tila ang mga Griyego ang nagbigay ng mga eksonimong kapangalanang Trasyano at Trasya.[7]
Paglalarawan
baguhinMay dalawang uri ng mga Trasyano: ang mga mandirigma at ang mapayapang mga magsasaka. Mahilig sila sa panulaan at musika. Naimpluwensiyahan ng kanilang kultura ang sa Gresya, partikular na ang sa pananampalataya. Kaugnay ng relihiyon, naniniwala ang mga Trasyano sa pagkakaroon ng buhay sa kabilang-buhay. Nagpasasa sila sa pagsamba sa mga hayop at pagsasakripisyo o pag-aalay ng mga tao. Kabilang sa kanilang mahahalagang mga diyos si Sabazius, isang diyos na may pagkakatulad kay Dionysus na diyos ng mga pananim o mga halaman, na naging diyos ng alak pagdaka.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who were the Thracians?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 20. - ↑ Christopher Webber, Angus McBride (2001). The Thracians, 700 BC–AD 46. Osprey Publishing. ISBN 1841763292.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Navicula Bacchi - Θρηικίη Naka-arkibo 2018-07-09 sa Wayback Machine., gottwein.de (Napuntahan noong Oktubre 13, 2008).
- ↑ Thraikios, perseus,tufts.edu.
- ↑ Graikos, perseus,tufts.edu.
- ↑ Sorin Mihai Olteanu - The Thracian Palatal Naka-arkibo 2009-04-15 sa Wayback Machine. (Napuntahan noong Hunyo 18, 2008).
- ↑ John Boardman, I.E.S. Edwards, E. Sollberger, at N.G.L. Hammond. The Cambridge Ancient History, Volume 3, Part 2: The Assyrian and Babylonian Empires and Other States of the Near East, from the Eighth to the Sixth Centuries BC. Palimbagan ng Pamantasan ng Cambridge, 1992, p. 597. Sipi: "We have no way of knowing what the Thracians called themselves and if indeed they had a common name...Thus the name of Thracians and that of their country were given by the Greeks to a group of tribes occupying the territory..."