Tibni
Si Tibni (Hebreo: תִּבְנִי Tīḇnī) ay mang-aangkin sa trono ng kaharian ng Israel (Samaria) na anak ni Ginath. Ayon kay Albright siya ay naghari noong 876–871 BCE, samantalang ayon kay Thiele ay naghari noong 885–880 BCE.
Tibni | |
---|---|
Panahon | 885/76 BCE to 880/71 BCE |
Sinundan | Zimri |
Sumunod | Omri |
Pagkatapos magpakamatay ni Zimri, ang mga mamamayan ng Kaharian ng Israel (Samaria) ay nahati sa dalawang paksiyon. Ang isa ay panig kay Omri at ang isang paksiyon ay panig kay Tibni. Ang kanilang mga puwersa ay nagdigmaan ng ilang taon hanggang sa manalo si Omri. Si Tibni ay may kapatid na si Joram na pumangalawa kay Tibni sa pakikipag-alitan sa trono ngunit si Joram ay binanggit lamang sa Septuagint ng 1 Hari 16:22 at hindi matatagpuan sa Tekstong Masoretiko.