Ang Tigang na Lupa ay isang nobelang Thailandiya na isinalin ni Jun Cruz Reyes. [1]

Tauhan

baguhin

Jinda - magsasalita para sa protesta upang ipaglaban para sa mababang upa at para sa kalayaan
Ned - kaibigan ni Jinda

Mga Pangyayari

baguhin
  • Nakita ni Jinda ang mga humahangos na tao sa pintuan ng Unibersidad ng Thammasart sa kabila ng Pramane Square papuntang Templo ng Emerald Buddha
  • Tinantya ni Ned ang dami ng tao: Apatnapung libo 40, 000
  • Sa malayo, nakita ni Jinda ang kurdon ng armadong Anti-riot police na nakaunipormeng kaki
  • Sa di kalayua, may pangkat ng mga maton na nagpapakita ng tatu na nirekrut ng hukbo upang guluhin ang kanilang rali. Ang iba may may dalang hunterknife na nakasabit sa sinturon
  • Pinalakas ni Ned ang loob ni Jinda.
  • Itinuro kay Jinda ni Ned ang batang nakatayo sa lumang kahon na ginagaya ang tagapagsalita, pakumpas-kumpas, sumisigaw
  • Pumasok na ang mga maton.
  • Binato ng isang lalaki ang bata na tinamaan sa noo.
  • Nagtangkang tumakbo ang bata ngunit nahablot siya ng isang maton sa kanyang kwelyo
  • Ginulpi ang bata. Kung sino mang tumulong sa bata, ay nakahanda na ang balisong
  • Tinadyak, sinampal at tumilapon sa lakas ng suntok
  • Napansin ang komboy na trak na unti-unting minamaneho sa dulo ng plasa
  • Nakita nya ang ambulansya kung saan may babaeng nakasuot ng putting blusa at duguan
  • Ayaw lumingon ni Jinda. May tumulak sa kanya
  • Nasugatan siya sa pisngi ng pako
  • Nakita ang puno ng sampalok na madalas nilang taguan ni Ned pagkatpos ng klase
  • Nakita nya sa pinkamahabang sanga nito ang isang nakabiting katawan na may nakataling makapal na lubid sa leeg na nakagapos at duguan. Sa palagid ng puno ay may mga nanunuyang mga lalaki na sinaksak ng matulis na kahoy ang binting nakabitin
  • Nakita niya ang siga sa may pintuang ng unibersidad kung saan sinusunog ang mga bangkay.
  • Tumakbo si Jinda tungo sa kung saan malayo sa putok ng baril at granada, di gaanong mausok na lugar.
  • Nakapunta siya sa kalsada. Ang mga tindera ay naktalungko, takot at tulala. Maaring dahilsa dugo sa pisngi.
  • Pinahid nya ito at natisod nya ang basket at tumilapon ang mga puting lotus. Minua sya ng isang matandang babae na tila may tumutlong pula samay nguso—siguro'y nganga.
  • Tumakbo siya uli at narating ang bangketa.
  • Sa ilalalim ng tulay patuloy na nag-uuli-uli ang maitim ng tubig saka nakita ang katawang nakabalot sa puting kamiseta, may lumulobong itim na paldang ang mukha'y nakakubli sa kurtinang magulong buhok.
  • Pumunta siyang palengke at sa iskinita. Sa may dyip na nakaparada, nakita nya nag mga anti-riot police na sinisira ang poster nina Mao-Tse-Tung at Che Guevarra
  • Nakalabas siya at tumungo sa malaking kalsaang walang tangke
  • Tumungo na sya sa 2 palapag na headquarters na buukas ang pintuan at ilaw, malamig, malaengkantong tahimik. Nakita nya ang hilera ng mesa at makinilya. Nakita niya ang mga taong nagsisiksikan sa tabi ng radyo na may boses lata.

"Kontrolado na nag sitwasyon. Natalo na ang mga Komunista. Iniligtas ng armi ang Thailand sa kuko ng mga Komunista. Alas sais ang karpyu…"

Sanggunian

baguhin
  1. Glinofria, Jamero: "Filipino sa Hayskul 2010, St. Bernadette Publishing House": "Tignang Na Lupa" (page 248)