Ang timbang o bigat ay isang katangiang-ari ng materya sa ibabaw ng mundo. Hinihila ng mundo ang materya papunta sa kanya. Tinatawag na timbang o bigat ang paghilang ito. Hinihila rin ng materya ang mundo. Nagbabago ang timbang ng mga bagay kapag nasa antas sila ng dagat at habang nasa tuktok ng isang bundok.

Timbang
Isang timbangan ng bigat ng tao.
Mga kadalasang simbulo
Yunit SInewton (N)
Ibang yunit
pound-force (lbf)
Sa Batayang yunit SIkg⋅m⋅s−2
Ekstensibo?Yes
Intensibo?No
Napapanatili?No
Pagkahango mula sa
ibang kantidad
Dimensiyon

Sa pisika, mayroong sari-saring hindi magkakatumbas na mga kahulugan ng diwa ng timbang. Sa isa sa maraming mga pangkaraniwang kahulugan, ang timbang o bigat ng isang bagay, na karaniwang sinasagisag ng titik na W (mula sa Ingles na weight), ay binigyang kahulugan bilang katumbas ng puwersang grabitasyonal na binuhos o itinuon dito ng grabidad. Ang puwersa o lakas na ito ang produkto ng masa o m ng bagay at ng lokal o katutubong akselerasyong grabitasyonal o g.[1]:48 Isinasaad sa loob ng pormulang: W = mg. Sa Internasyunal na Sistema ng mga Yunit, ang yunit ng sukat para sa timbang ay katumbas ng para sa lakas o puwersa: ang Newton.

Mga halimbawa ng timbang

baguhin

Pagsusukat ng timbang

baguhin

Maaaring sukatin ang timbang ng isang bagay sa pamamagitan ng eskala o timbangan. Ang timbang ay ang isang bilang na nagpapakita kung gaano hinihila ng mundo ang materya. Kailangan ng bilang ang isang yunit ng sukat upang maging magagamit. Ang yunit ng timbang sa agham at inhinyeriya ay ang Newton, na isa talagang yunit ng lakas o puwersa, dahil ang timbang ay isang lakas.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gat, Uri (1988). "The weight of mass and the mess of weight". Sa Richard Alan Strehlow (pat.). Standardization of Technical Terminology: Principles and Practice – second volume. ASTM International. pp. 45–48. ISBN 978-0-8031-1183-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)