Ang Timog Tarawa (sa Wikang Kiribati: Tarawa Teinainano) ay ang kabisera at sentro ng Republika ng Kiribati at pinaninirahan ng halos na kalahati ng populasyong ng bansang Kiribati.[2] Ang populasyon ng Timog Tarawa ay matatagpuan sa lahat ng mga maliliit na pulo mulas sa Betio sa Kanluran hanggang sa Bonriki sa Silangan na kinakabit ng pangunahing daanan ng Timog Tarawa; na may populasyong na 50,182 magmula noong 2010.[1]

Timog Tarawa
Heograpiya
LokasyonKaragatang Pasipiko
Mga koordinado1°26′N 173°00′E / 1.433°N 173.000°E / 1.433; 173.000 (Tarawa)
ArkipelagoKapuluang Gilbert
Sukat15.76 km2 (6.085 mi kuw)
Pinakamataas na elebasyon3 m (10 tal)
Pamamahala
Demograpiya
Populasyon50,182[1]
Densidad ng pop.3,184 /km2 (8,247 /mi kuw)

Ang Timog Tarawa ang tagpuan ng karamihan sa mga pasilidad na pang-gobyerno, komersyo at edukasyon sa Kiribati kasama na dito ang daungan at ang Mataas na Hukuman sa Betio, ang Kabahayan ng Estado, mga Ministro ng Gobyerno at ang mga dayuhang Mataas na Komisyon sa Bairiki, ang kampus ng Unibersidad ng Timog Pasipiko sa Teaorereke, ang Kabahayan ng Kapulungan sa Ambo, ang Kiribati Teacher College and King George V and Elaine Bernachi School, ang Government High School, sa Bikenibeu,[3] at ang sentral na ospital sa Nawerewere. Ang Roman Katolikong diyosesis ay nakabase sa Teaorereke, ang Simbahang Protestante ng Kiribati (Kongregasyonal) sa Antebuka, at ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Eita.[4]


Pamamahala

baguhin

Sa local na lebel ng gobyerno, ang Timog Tarawa ay may dalawang subdibisyong administratibo:

  • Ang Konsehong Bayan ng Betio (Ingles:Betio Town Council o BTC), sa Betio;
  • Ang Konsehong Urban ng Teinaino (Ingles:Teinainano Urban Council o TUC), mula sa Bairiki hanggang Tanaea (Ang kahulugan ng Teinainano ay ang "ibabaw ng palo ng bapor", na nagpapahiwatig sa hugis-layag ng atol).

Ang Buota, ay parte ng Hilagang Tarawa at pinangangasiwa ng Konsehong Eutan Tarawa (Ingles:Eutan Tarawa Council o ETC), ay nakakabit sa Timog Tarawa sa pamamagitan ng daanan at nakakaranas rin ng paglobo ng populasyong, urbanisasyon at pagkasira ng kapaligiran.

Heograpiya

baguhin
 
Ang Timog Tarawa ay isang makipot na linya na kalupaan sa gitna ng isang lagoon at ng karagatan

Ang Timog Tarawa ay isang pangkat ng mga pulo sa gitna ng Lagoon ng Tarawa sa hilaga na hindi hihigit sa 25 metro (82 tal) na lalim, at ng Karagatang Pasipiko sa timog, na may lalim na hanggang 4,000 metro (13,000 tal).[5] Ang pulo ay nalikha mula sa mga deposito mula sa lagoon.[6] Ang proseso ng pagipon ng lupa ay dulot ng umiiral na hanging pasilangan, at ito ay nababawi tuwing sa humahabang panahon ng hanging pakanluran tuwing Patimog na mga imbayog tuwing El Niño.[7] Ang lahat ng mga pulo ay napagsama ng mga causeway at bumubuo ng isang mahabang pulo sa bahura sa tabi ng timog na bahagi ng Lagoon ng TarawaAll of these islets are now joined by causeways, forming one long islet on the reef along the southern side of the Tarawa Lagoon. Ang karamihan na bahagi ng Timog Tarawa ay hindi bababa sa 3 metro na taas mula sa dagat South Tarawa na may katamtaman na haba na sumusukat lamang na 450 metro.[4]

Populasyon

baguhin
 
Mga bata sa Liwasan ng Bairiki sa Tarawa, Kiribati
 
Pagkarga ng kopra sa Daungan ng Betio, Timog Tarawa

Noong panahon ng Sensus ng 1978, ang Timog Tarawa ay may populasyon na 17,921 na karamihan sa mga residente ay nakatira sa mga pangunahing sentro ng populasyon na Betio, Bairiki at Bikenibeu,. Mula na naging malaya ang Kiribati noog 1979, ang populasyon ng Timog Tarawa ay nagtriple, at ngayon ay may 50,182 na katao.[1] Ang lahat ng Timog Tarawa ay urbanisado, at matutuing ito isang patuloy na panirahan mula sa Hilaga silangang dulo ng pulo, ang Tanaea, hanggang sa Timog kanlurang dulo nito sa Betio. Ang Buota sa Hilagang Tarawa ay nakakabit rin sa pangunahing daanan ng Timog Tarawa at patuloy na umuunlad.

South Tarawa: Places and population
Sakop ng Sensus 1978[8] 2005[9] 2010[1]
Tanaea 27 91 279
Bonriki 635 2,119 2,355
Temwaiku 2,011 3,135
Causeway (Nawerewere) 1,780 2,054
Bikenibeu 3,971 6,170 6,568
Abarao 322 908 1,665
Eita 612 2,299 3,061
Tangintebu 128 94 89
Taborio 187 955 1,282
Ambo 1,688 2,200
Banraeaba 501 1,789 1,969
Antebuka 504 390 1,087
Teaoraereke 848 3,939 4,171
Nanikai 604 803 988
Bairiki 1,956 2,766 3,524
Betio 7,626 12,509 15,755
kabuuan ng Timog Tarawa 17,921 40,311 50,182


Kasaysayan

baguhin

Ang Timog Tarawa ang sentro ng Mitolohiya at Kultura ng Kiribat, ngunit may kaunting pagkaiba nag buhay sa Timog Tarawa sa ibang mga isla dahil ito ay napili bilang kabisera ng gobyeronong kolonyal para sa Protektorado ng Kapuluang Gilbert at Ellice.

Ang Betio ang tagpuan ng Labanan ng Tarawa.

Kapaligiran

baguhin
 
Mga epekto ng pagguho ng baybayin at tagtuyot sa mga puno ng niyog sa Eita, Timog Tarawa
 
Ang mga sambahayan sa Timog Tarawa ay hindi kayang lumipat sa mas mataas o malayong lugar upang iwasan ang pagguho ng baybayin dahil ang atol ay makipot at pinagsisiksikan ng mga tao.

Ang pinakamataas na bahagi ng Timog Tarawa ay may kakaunti lamang na metro na taas mula sa dagat kaya lubos na nasa panganib ang pulo sa pagbabago ng klima at mga natural na kalamidad. Ang pagtaas ng lebel ng dagat at ang kaabay na pagalat ng lupa sa nagsisimula ng apektuhin ang limitadong suplay ng malinis na tubig.[10]

Ang kalagayan panahon sa Timog Tarawa ay maalingsangan at mahalumigmig sa buong taon at ang katamtaman na lebel ng pagulan ay mataas. Ngunit di matiyak ang pagulan at pababago depende sa El Niño, at maaring di umulan sa Timog Tarawa ng ilang buwan tuwing panahon ng La Nina.

Katubigan

baguhin

Napakalimitado lamang ay mapagkukunan ng tubig ang Timog Tarawa dahil sa mabilis na lumulubong populasyon. Tuwing tagtuyot na madalas na nangyayari, ang natatanging pinagkukunan ng tubig ay ang mababaw na freshwater len na tumatagos sa batong bahura ng atol. Ang mga water lense sa Bonriki at Buota ay idineklara bilang have been reserbo ng tubig, at may pinagsamahang pagbigay ng 1,300 m3 bawat araw. Ang mga dating dineklarang reserbo ng tubig ay naubos dulot ng urbanisayon, o napabayaan dulot ng sobra sa pagbomba ng tubig at polusyon mula sa panirahan ng tao.[11]

Ang mga tubig mula sa mga reserbo ng Bonriki at Buota ay ipinababahagi sa pamamagitan ng isang network papunta sa mga sambahayan ng TImog Tarawa, ngunit ang pangit na kondisyon ng network at limitadong suplay ng tubig ay nagdudulot sa pagsusuplay ng tubig sa bawat bayan ng 2 oras lamang sa bawat dalawang araw. Karamihan sa mga paaralan at gusaling pangkomunidad ay walang suplay ng tubig, at maraming sambahayan ay umaasa sa maduming tubig bulal dahil sa kakulangan sa nilinis na tubig.[12]

Dahil sa kakulangan ng malinis na tubig, ang sistema ng sanitasyon ay dapat gumamit ng tubig alat sa pagflush. Ang kasalukuyang network ng sanitasyon ng Timog Tarawa ay hindi sapat ang kalidad ng pagtakbo, at isang malaking proyekto ay isinasagawa upang ayusin ang sistema at pagandahin ang sanitasyon at pampublikong kalinisan sa katawan.[13]

Ekonomiya

baguhin
 
Ang pangingisda para sa pangkonsumo ng pamilya at sa pangangalakal ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng Timog Tarawa.

Ang Timog Tarawa ay sentro ng ekonomiya ng Kiribati at ang tagpuan ng pangunahing daungan at paliparan at ang karamihan sa mga negosyong pribado at pampubliko. Ang kopra na ginagawa sa pinakalabas na mga pulo ay ipinoproseso sa Betio, na naglilikha ng mantika ng kopra para sa pandaigdigang kalakal at iba pang produkto na ibinebenta sa lokal na kalakal. Mayroon rin planta na ginagamit sa pagproseso ng isda para sa mga tuna na iluluwas. Ngunit ay pag-angkat ay mas marami sa iniluluwas, at karamihan sa mga sambahayansa Timog Tarawa ay umaasa sa trabaho sa gobyerno at pagremita mula sa mga kamag-anak sa abroad para sa kanilang kita. Ang kawalan at pansamantalang trabaho ay isang seryosong suliranin; noong 2010, 34% lamang ng matatanda na nakatira sa urban na lugar (higit sa 15 taong gulang) ay kumikita at nagtatrabaho; ang natitirang porsyento ay hindi kasama sa lakas paggawa, walang trabaho o sangkot sa mga trabahong pantawid-buhay lamang. Ang mga mas nakakabatang tao ay mas mataas na tsansa na walang trabaho.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Kiribati Census Report 2010 Volume 1" (PDF). National Statistics Office, Ministry of Finance and Economic Development, Government of Kiribati. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 10 Agosto 2014. Nakuha noong 17 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Country files at earth-info.nga.mil". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-08-23. Nakuha noong 2015-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "6. South Tarawa" (PDF). Office of Te Beretitent - Republic of Kiribati Island Report Series. 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 23 Septiyembre 2015. Nakuha noong 28 April 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. 4.0 4.1 "South Tarawa Island Report". Government of Kiribati.[patay na link]
  5. Martin 2000, p. 152.
  6. Schofield 1977, p. 533.
  7. Chaoxiong 2001, p. 6.
  8. Report of the 1978 Census of population and housing. Republic of Kiribati 1980, Vol. 1, S. 6–7
  9. Kiribati 2005 census of population and housing.
  10. "Kiribati Country Assistance Strategy (Press Release)". World Bank.
  11. Metai, Eita. "Vulnerability of Freshwater Lens on Tarawa – The Role of Hydrological Monitoring in Determining Sustainable Yield" (PDF). Proceedings of the Pacific Regional Consultation on Water in Small Island Countries Theme 2 Case Studies – 65.
  12. "Kiribati Social and Economic Report". Asian Development Bank.
  13. "ADB and Australia to Help Kiribati Improve Sanitation, Public Hygiene (Press Release)". Asian Development Bank.

[[gl:Tarawa]