Tinta
Ang tinta[1] ay isang likidong bagay na ginagamit sa pagtatala ng mga salitang pangkasaysayan.[2]
Mga gamit
baguhinGinagamit ang karamihan sa mga ito para sa pagsusulat, paglilimbag, pagguhit ng larawan, paglalagay ng pananda, at paggawa ng mga kopya ng mga dokumento. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng kaalaman sapagkat naipapasa ang mga sulatin at lathalin - mga aklat, pahayagan, at iba pang mga babasahin - mula sa isang salinhali patungo sa bago at sumusunod na mga henerasyon. Dahil sa tinta, naging madali ang pagkakaroon ng pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan.[2]
Kasaysayan
baguhinMay mahabang kasaysayan ang tinta sa maraming bahagi ng mundo. Ang mga tintang panulat mula sa Ehipto ang pinakamatandang uri ng mga naimbentong tinta. Gawa mula sa mga kulili o agiw, tubig at mga dagta ng mga gulay ang mga ito. Sa katunayan, nagmula ang mga tinatawag ngayong tintang Indiya sa Tsina noong 2,000 B.C. Nagkamali lamang ang pagtawag dito. Ayon sa kasaysayan ng Tsina, nilikha ito ng isang lalaking nagngangalang Tien-Tchen mula sa kulili ng langis ng buto ng halamang tung at gomang arabiko (gum arabic) o pandikit.
Noong ika-1 dantaan A.D., gumagamit na ang mga Romano ng iba't ibang tintang yari mula sa mga agiw, lampblack, at sepia (mga tinta mula sa pusit o mga kamag-anak nito). Noong mga Gitnang Panahon, umimbento ng tintang yari sa gall ng oak at mga asin ng bakal ang mga mongheng midyebal. Nang dumating ang ika-16 at ika-17 dantaon, naging gawaing-pambahay ng mga kababaihang may-asawa ang palagiang paghahanda ng mga tinta. Sa sinaunang Estados Unidos, nagtatabi ng mga resipi sa paglikha ng mga tinta ang mga esposa ng mga Amerikanong lalaki, at kabilang sa mga resipi ng pagkain.[2]
Nang maimbento ang makinang pang-imprenta ni Johann Gutenberg noong ika-15 dantaon, nangailangang lalangin ang mga tintang may halong tubig. Nang lumaon, sa pagdating ng makabagong panahon, napalitan ang mga pinakukuluang mga langis mula sa linseed ng mga tintang yari sa petrolyo, gliserina, at iba pang mga likido.[2]
Gumagamit din ng mga bala ng tinta ang mga imprentador, o aparatong panlimbag, ng mga kompyuter.
Mga uri
baguhinMay dalawang pangunahing uri ng mga tinta: mga tintang panulat at mga tintang panlimbag o panglathala.[2]
May iba pang mga uri ng mga tinta: ang tintang di-nakikita (o tintang simpatetiko), tintang panggomang-selyo, tintang pantanda, tintang pangkopya, tintang Indiya, at mga tintang pantala.[2]
Tintang panulat
baguhinGinagamit ang mga panulat na tinta para sa mga pluma katulad ng bolpen, mga plumang bakal, at pontempen. Madalas na gamitin para sa mga pontempen ang permanenteng tinta na may pinaghalong asul at itim na kulay. Nalalagyan naman ng mga bala (cartridge) ng tinta ang mga bolpen.[2]
Tintang panlimbag
baguhinIba-iba ang gamit ng mga tintang panlathala at batay sa klase ng trabahong gagawin, subalit naglalaman silang lahat ng mga barnis upang lumapat ang kulay sa papel. Katulad ng mga pintura ang mga tintang pang-imprentang ito. Ito ang ginagamit para sa mga pahayagan at mga aklat.[2]
Tintang di-nakikita
baguhinHindi agad maaaninaw ang mga tintang di-nakikita. Kailangan painitan muna sila o kaya nalagyan ng mga kimikal para lumitaw ang kulay. Yari sila mula sa mga asin ng mga metal, sibuyas, gatas, o katas ng limon, na nagiging kulay kayumanggi kapag nadarang sa apoy.[2]
Nagagawa ang di-agad-nakikitang tinta mula sa sibuyas sa pamamagitan ng pagpiga ng katas ng malaking sibuyas. Nagdaragdag ang bahagyang tubig. Kapag ginamit sa isang liham, mababasa lamang ng pinadalhan mo ng liham ang iyong mensahe kapag itinapat ng maingat ang papel na may sulat sa apoy.[2]
Tintang pangselyong-goma
baguhinNananatiling basa ang mga tintang ito habang nakalagay sa patungang-tintero, ngunit agad na natutuyo kapag nadikit sa papel.[2]
Tintang pananda
baguhinMaraming mga klase ng tintang pantanda o pangmarka, at ginagamit sila para sa pagdedekorasyon ng mga kahoy, mga metal, at tela.[2]
Tintang pangopya
baguhinIto ang mga tintang ginagamit para sa mga papel na karbon, pangmakinilya, mimeyograpo at iba pang mga aparatong pangkopya.[2]
Tintang Indiya
baguhinIsa sa mga pinakamatatandang tintang ginagamit pa rin ang tintang Indiya, lalo na para sa pagguhit at pagleletra.[2]
Tintang pantala
baguhinKatulad ng mga panulat na tinta ang mga tintang pangrekord, at ginagamit sila para sa makinang kasangkapan sa pagtatala katulad ng detektor ng mga lindol o seismograpo.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ De Guzman, Maria Odulio (1968). "Tinta, ink". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 "Ink". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)