Tiya
Ang tiya o tiyahin (Ingles: aunt , auntie)[1] ay katawagan ng isang pamangkin para sa isang babaeng taong maaaring kapatid na babae ng isang magulang, o ang asawa ng isang kapatid na lalaki ng isang magulang. Ayon sa Talahuluganang Ingles ng Oxford, ito ang kapatid na babae ng isang ama o ina, o kaya ang asawang babae ng isang tiyong tinatawag na tiya sa batas o tiyahin sa batas (aunt-in-law sa Ingles) ayon sa mahigpit na kahulugan ng salita.[2] Tiyo ang katumbas na katawagan para sa lalaki. Maaari ring tumukoy ang tiya sa isang parangal na katawagan para sa sinumang babaeng tao o indibiduwal. Katumbas ito ng tiyang, ale at kaka[1], bagaman ginagamit din ang kaka bilang pantawag para sa panganay na kapatid na lalaki o babae (para sa kuya o sa ate).[3] Ngunit bilang panturing sa tiya o tiyo, karaniwang ginagamit ang kaka para tawagin o tukuyin ang isang panganay na tiya o tiyo.[3] Ginagamit ding panawag ang tiya para sa isang inang panguman.[3]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Aunt, auntie, tiya, tiyahin, ale, kak(a) - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Pangunahing kahulugang nakatala sa Oxford English Dictionary ang mga pangungusap na "The sister of one's father or mother. Also, an uncle's wife, more strictly called an aunt-in-law".
- ↑ 3.0 3.1 3.2 English, Leo James (1977). "Tiya, tiyahin, tiyang, ale, kaka o elder aunt or uncle, para rin sa isang inang panguman o stepmother". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1443.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.