Tokyo Daigaku Monogatari
Ang Tōkyō Daigaku Monogatari (東京大学物語, literal: "Kuwento ng Unibersidad ng Tokyo") ay isang seryeng manga na sinulat at ginuhit ni Tatsuya Egawa. Tungkol ang kuwento sa isang mag-aaral ng mataas na paaralan na si Naoki Murakami (村上 直樹 Murakami Naoki) na niyaya si Haruka Mizuno (水野 遥 Mizuno Haruka) sa isang date. Nag-date sila habang nag-aalala sa kanilang nalalapait na pagsusulit sa pagpasok sa unibersidad.
Isang pelikulang live-action na may kaparehong pangalan na batay sa seryeng manga ay nilabas noong Pebrero 2006 sa direksyon ni Tatsuya Egawa. Sinulat ang senaryo ni Kotoe Nagata, at ang pelikula na ginawa ng istudiyong Soft On Demand ay pinagbibidahan nina Yoko Mitsuya, Kei Tanaka, Kazuki Namioka, Sasa Handa, Fujiko, Naoko Watanabe at Takeshi Masu.[1][2]
Mayroon din itong seryeng dramang pantelebisyon na umere mula 10 Oktubre 1994 hanggang 19 Disyembre 1994.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Trailer for Tatsuya Egawa's TOKYO UNIVERSITY STORY" (sa wikang Ingles). twitchfilm.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-24. Nakuha noong 2011-02-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tôkyô Daigaku monogatari" (sa wikang Ingles). IMDb. Nakuha noong 2011-02-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)