Tore ng Juche
Ang Tore ng Juche (opisyal Tore ng Ideyang Juche) ay isang gusali sa Pyongyang, Hilagang Korea. Ipinangalan ang tore mula sa panuntunan ng Juche, na nilikha ni Kim Il Sung bilang pagsasama-sama ng awtarkiya, tiwala sa sariling kakayahan, sariling-pagbubukod, tradisyunalismong Koreano, at Marxismo–Leninismo.
Tore ng Juche | |
Chosŏn'gŭl | 주체사상탑 |
---|---|
Hancha | 主體思想塔 |
Binagong Romanisasyon | Juche sasangtap |
McCune–Reischauer | Chuch'e sasangt'ap |
Ito ay nasa silangang dako ng Ilog Taedong, direktang salungat sa Kim Il Sung Square na nasa kabilang dako ng ilog, na natapos noong 1982. Itinayo ang naturang gusali upang guniain ang ika-70 kaarawan ni Kim Il Sung. Tinagurian si Kim Jong Il bilang taga disenyo ng tore, ngunit sinasalungat ang asersyon ng mga tagapanayam ang mga dating opisyal na Hilagang Koreano.
Mga larawan
baguhin-
Tanaw mula sa tore.
Kawing Panlabas
baguhin39°1′3.52″N 125°45′48.05″E / 39.0176444°N 125.7633472°E
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.