Emperatris Go-Sakuramachi

(Idinirekta mula sa Toshiko)

Si Toshiko ay isang babae at ang ika-117 na Emperador ng Hapon. Kung bakit siya tinawag na Emperador bagaman siya ay babae ay sa kadahilanang ang katagang Emperatris ay nangangahulugang asawa ng Emperador. Hindi siya asawa ng Emperador, kundi siya mismo ang Emperador at walang naitalang asawa niya.

Emperatris Go-Sakuramachi
ika-117 Emperador ng Hapon
Emperatris Go-Sakuramachi
Paghahari1762-1771
PinaglibinganTaukinowa no misasagi (Kyoto)
SinundanEmperador Momozono
KahaliliEmperador Go-Momozono
AmaEmperador Sakuramachi
InaNijō Ieko

Si Toshiko ang pinakahuling babae sa walo na umupo sa Trono ng Krisantemo ayon sa mahabang kasaysayan ng Trono. Siyam na taon siyang namalagi sa Trono simula noong taong 1762 hanggang taong 1771.

Ang nengo o panahon ng panunungkulan niya ay trono ay tinawag na Go-Sakuramachi. Sa kasaysayan ng Hapon, nakikilala ang emperador hindi sa kanilang personal na pangalan (imina) kundi sa kanilang nengo. Kaya’t noong namatay si Toshiko kinilala siya bilang Emperador (o Emperatris) Go-Sakuramachi.

Ang ibig sabihin ng Go sa kanyang Go-Sakuramachi ay "Panghuli o Pangalawa". Ang kanyang ama ay si Emperador Sakuramachi kaya siya ay ang Panghuling Sakuramachi o Ikalawang Sakuramachi. Maaari ding Sakuramachi II.

Ipinanganak si Toshiko noong ika-23 ng Setyember ng taong 1740 at namatay noong ika-24 ng Disyembre ng taong 1813. Bago siya malulok kinilala siya bilang Prinsesa Isa (Isa-no-miya) pero pinalitan niya ito ng Prinsesa Ake (Ake-no-miya).

Ikalawa siyang anak ni Teruhito o Emperador Sakuramachi. Ang kanyang ina ay si Ieko Nijou. Bata pang namatay ang kanyang ate, ang kanyang kapatid na si Toohito ay naging si Emperador Momozono.

Noong taong 1762, umupo siya sa Trono ng Krisantemo sa pamamagitan ng isang espesyal na kautusan ni Emperador Momozono, dahil ang kanyang anak na si Hidehito (Emperador Go-Momozono) ay limang taong gulang pa lamang.

Sa pag-upo niya sa Trono ng Krisantemo, she ang kauna-unahang namunong Emperatris sa loob ng 119 na taon mula ng maluklok si Emperador (Emperatris) Meishou.

Bagaman meron pang pitong naluklok na mga babaeng Emperador, ang mga sumunod sa kanila ay galing sa mga lalake ng dugong maharlika. Maraming mga konserbatibong iskolar na nagsasabi na ang panunungkulan ng mga babaeng Emperador ay panandalian lamang kung kaya’t lalake lamang dapat ang umupo sa trono ngayong ika-21 daangtaon. Pero isang sumira sa kaisipang ito ay si Ahe o Emperador (Emperatris) Gemmei na pinalitan ng kanyang anak na si Hidaka/Niinomi o Emperador (Emperatris) Genshou.

Noong ikasiyam na taon ng kanyang panunungkulan, taong 1770, ipinaubaya niya ang Trono ng Krisantemo kay Hidehito o Emperador Go-momozono.

Pero hindi nagtagal sa trono si Hidehito. Habang naghihingalo ito, ang Retiradong Emperador na si Go-Sakuramachi ay kinonsulta ang mga nakakatandang tagapayo at mga gwardiya ng Palasyo na ampunin si Prinsipe Fushimi-no-miya, pero ang napili ay si Prinsipe Morohito, ang ikaanim na anak ni Prinsipe Sukehito sa Bahay ng Kan’in (Kan’in-no-miya) ang isa sa apat ng sangay o Bahay na pinagmumulan ng mga maharlika na umuupo sa Trono. Marami ang sumang-ayon dito kung kaya’t agad na inampon ng naghihingalong si Go-Momozono si Prinsipe Morohito (pinalitan niya ang kanyang pangalan bilang Tomohito) na naging Si Emperador Koukaku.

Pagkatapos ng paglilipat ng sanga ng mga uupo sa Trono, si Toshiko ngayong isa ng Retiradong Emperador ang tinagurang Tagapangalaga sa Batang Panginoon (Si Morohito).

Namatay si Toshiko noong taong 1813 sa edad na 73. Siya ay inilibing sa sa Tsukinowa no Misasagi sa bahagi ng Higashiyama sa Prepektura ng Kyoto.

Iniwan niya ang isang aklat na may pamagat na Kinchū-nenjū no koto ("Mga Kaganapan ng Panahon sa Korte ng Imperyo "). Binubuo ito ng mga tula, mga liham ng imperyo, kasulatan at marami pang iba na masasabing may magaling uring pampanitikan.