Transplantasyon ng organo
Ang transplantasyon ng organo o siruhiya ng pagtransplanta (Ingles: organ transplantation, transplant surgery), literal na "pag-ani, paglipat at muling pagtatanim ng organo") ay ang paglilipat ng isang organo magmula sa isang katawan papunta sa isa pang katawan, o mula sa isang pook ng donasyon (inabuloy na organo) papunta sa isa pang lugar o lokasyon sa sariling katawan ng pasyente, para sa layunin ng pagpapalit ng nawawala o napinsalang organo ng tatanggap. Ang bumabangong larangan ng medisinang reheneratibo ay nagpapahintulot sa mga siyentipiko at mga inhinyero na makalikha ng mga organo upang muling mapalaki magmula sa sariling mga selula (selulang sanga o selulang tangkay) ng pasyente, o mga selulang hinango magmula sa mga organong nabibigo na sa kanilang tungkuling pangkatawan). Ang mga organo at/o mga tisyu ay inililipat sa loob ng mismo o sa loob din ng katawan ng iisang tao ay tinatawag na mga autograpto (autograft). Ang mga transplanta na kamakailang isinagawa sa pagitan ng dalawang mga pasyente ng iisang mga espesye ay tinatawag na mga alograpto (allograft), Ang mga alograpto ay maaaring maging nagmumula sa isang napagkunang nabubuhay o patay (bangkay) na.
Ang mga organong maaaring ilipat at itanim na muli ay ang puso, bato, atay, mga baga, lapay (pankreas), bituka, at thymus. Ang mga tisyu ay kinabibilangan ng mga buto, mga tendon (litid) (na kapwa tinutukoy bilang mga graft o dugtong na supang o suloy na muskuloskeletal) , kornea, balat, at mga balbula ng puso, at mga maliliit na ugat (bena). Sa buong mundo, ang mga bato ang pinaka pangkaraniwang inililipat na mga organo, na sinusundan ng atay at pagkaraan ay ang puso. Ang kornea at ang mga suloy na muskuloskeletal ay ang pinaka karaniwang itinatransplantang mga tisyu; nahihigitan ng dami nito ang mga pagtatransplanta ng organ nang mas mahigit kaysa sampung mga ulit.
Ang mga tagapag-abuloy o donor ay maaaring mga nabubuhay o patay na ang utak. Ang tisyu ay maaaring kuhanin magmula sa mga mang-aambag na patay na ang puso - magpahanggang sa 24 na mga oras na ang nakakalipas mula sa pagtigil ng pintig ng puso. Hindi katulad ng mga organo, ang karamihan ng mga tisyu (maliban na lamang sa kornea) ay maaaring ipreserba o panatilihin at iimbak magpahanggang sa limang mga taon, na nangangahulugang maaari silang "ibangko" (ilagay sa isang "bangko" o deposituhan o impukan). Ang transplantasyon ay nagpapaangat ng isang bilang ng mga paksa o suliraning biyo-etikal (pambiyolohiya at pang-etika, kabilang na ang kahulugan ng kamatayan, kung kailan at kung paano nararapat ibigay para sa isang organo na ililipat at pagbabayad para sa mga organong ililipat.[1][2] Ang iba pang mga suliraning pang-etika ay kinabibilangan ng turismo ng transplantasyon at ang mas malawak na diwang sosyo-ekonomiko kung saan ang pag-ani o transplantasyon ng organo ay maaaring lumitaw. Ang isang partikular na problema ay ang pagtatrapiko ng organo.[3] Mayroong mga organo, na katulad ng utak, na hindi pa maaaring anihin at ilipat at muling itanim sa mga tao.
Sa Estados Unidos ng Amerika, ang transplantasyon ng tisyu ay nireregula ng U.S. Food and Drug Administration (FDA, Administrasyon ng Pagkain at Gamot ng Estados Unidos) na nagtatakda ng mahigpit na mga patakaran o mga regualsyon hinggil sa pagiging ligtas ng mga transplanta, na pangunahing nakatuon sa pag-iwas ng paglaganap ng mga sakit na nakakahawa. Kabilang sa mga regulasyon ang mga saligan o kriterya ng pagsusuri at pagsubok sa mga nag-aabuloy ng organo o tisyu pati na mahihigpit na mga regulasyon hinggil sa pagpuproseso at distribusyon (pagpapamudmod) ng mga supang ng tisyu. Ang mga transplanta ng organo ay hindi niriregula ng FDA.[kailangan ng sanggunian]
Ang medisinang pangtransplantasyon ay isa sa pinaka mahamon at masalimuot na mga pook sa medisinang moderno. Ang ilan sa mga susing pook para sa pamamahalang pampanggagamot ay ang mga problema ng pagtanggi sa transplanta, kung kailan ang katawan ay mayroong pagtugong imyuno (pagtugon na hindi tumatalab o walang bisa) sa inilipat na organo, na maaaring humantong sa pagkabigo ng paglipat at pagtatanim at ang pangangailangan na kaagad na tanggalin ang organo mula sa nakatanggap nito. Kapag maaari, ang pagtanggi sa transplanta ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng pagseserotipo upang malaman ang pinaka naaangkop na pagkakatugma ng nagbibigay at tumatanggap at sa pamamagitan ng paggamit ng mga gamot na imunosupresante (pangsawata o pampigil na imyuno).[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tingnan ang "WHO Guiding Principles on human cell, tissue and organ transplantation", na idinugtong sa World Health Organization, 2008.
- ↑ Ang iba pang mga pinanggalingan sa Bibliyograpiya ng Etika ng WHO.
- ↑ Tingnan ang Organ trafficking and transplantation pose new challenges.
- ↑ Frohn C, Fricke L, Puchta JC, Kirchner H (2001). "The effect of HLA-C matching on acute renal transplant rejection". Nephrol. Dial. Transplant. 16 (2): 355–60. doi:10.1093/ndt/16.2.355. PMID 11158412.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)