Tree Fu Tom
Ang Tree Fu Tom ay isang pambatang live-action at CGI na palatuntunan sa telebisyon na pinapalabas ng BBC at CBeebies sa United Kingdom at Universal Kids at NBC sa Estados Unidos. Ang tagpo ng palabas na ito ay sa isang napakaliit na mala-mahikang kanayunan at lugar ng nayon (Treetopolis) na nasa ibabaw ng isang bahagi ng katawan ng isang malaking puno sa istolong kakahuyan sa Britanya, kung saan ang katawan ng puno ay nagiging pahalang at pagkatapos nagiging patayo uli. Karamihan sa mga tauhan dito ay mga antromorpikong arthropoda (na hindi magkasinglaki sa bawat isa sa katotohanan). Tinitarget ng programa ang mga batang may gulang na 2 hanggang 6.
Tree Fu Tom | |
---|---|
Uri | live-action/animated film, comedic television series |
Pinangungunahan ni/nina | Adam Henderson |
Boses ni/nina | Tim Whitnall, Sharon D. Clarke, Sophie Aldred, David Tennant |
Bansang pinagmulan | United Kingdom |
Bilang ng season | 2 |
Bilang ng kabanata | 52 |
Paggawa | |
Kompanya | FremantleMedia, Blue-Zoo Productions |
Distributor | FremantleMedia, Hulu |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | CBeebies |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Marso 2012 2 Mayo 2016 | –