Ang Trese ay isang komiks na katatakutan / krimen at itim at puti na nilikha ng manunulat na si Budjette Tan at tagaguhit na si Kajo Baldisimo. Patungkol ito sa kwento ni Alexandra Trese, isang tiktik na nagsisiyasat sa mga krimen na may pinagmulang sobrenatural. [1]

Una itong nilimbag ng Alamat Comics noong 2005 sa uring photocopy at online. Kaslukuyan itong mabibili sa kolektadong uring graphic novel, na nilimbag ng Visprint, Inc. Maari ding makabili ng uring e-book nito sa Internet. Ang kasong 1, 2 at 4 ay nilimbag muli ng Visprint, na may bagong kinulayang sining ni Kajo Baldisimo at sinalin sa Filipino ni Bob Ong.

Dahil sa kasikatan nitong serye, lumabas din si Trese at ang mga Kambal sa ibang mga aklat tulad ng Skyworld at Agents of Ambush.

Ginawan ito ng isang animated series para sa Netflix,[2] kung saan ang ang executive director ay ang Pilipino-Amerikanong si Jay Oliva,[3] at tampok ang Pilipinong aktres na si Lisa Soberano na gaganap sa boses ng titular na karakter. Ipapalabas ito sa Hunyo 11, 2021.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Mañalac, Marco (2011-10-22). "Horror in the Philippines!". Manila Bulletin. Nakuha noong 2011-10-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mallick, Rom (Oktubre 27, 2020). "First look at 'Trese' anime, confirmed for 2021". Manila Bulletin. Nakuha noong Oktubre 27, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "'Enter the exciting supernatural world of Filipino folklore comics with Trese" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)